Isang
babaeng kakaiba sa lahat
Mga
maling bagay sa kaniya’y ‘di dapat
Nagbibigay
ng atensyon sa nararapat
At
sa lahat ng gagawin ay magiging tapat
Babaeng
nakaramdam ng sakit at pighati
ngunit
palagi pa ring nakangiti
Problema’t
pagsubok man ay dumating
sa
Panginoon siya palaging lalapit
Hindi
perpekto ngunit kuntento
kulay
kayumanggi, talagang Pilipino
Nag-aaral
ng mabuti para sa mithiin
at
nagsusumikap para sa bituin
Minsan
ay masayahin, minsan maramdamin
Madaling
magalit ngunit madaling patawanin
Walang
ibang hiling kung hindi kapayapaan
dito
sa mundong nagkakasiraan
Sumusubok
ng mga bagong bagay
para
sa kaniyang buhay ay may gabay
Pilitin
mang hatakin ng iba
siya’y
hinding-hindi bibigay
Comments
Post a Comment