Skip to main content

Ibong Malaya

Ibong Malaya

Isang ibong nangangarap ng mataas,
Maraming hadlang, ibong siya pa ring patas.
Inaabot niya sa kanyang makakaya,
O ibon, ika’y lumipad ng Malaya.

Bigyan mo ng pansin, ibong tumatawag.
Mga salitang sa kanya’y nagpatatag,
Ang pangarap lang niya’y gusto niya matupad.
Sana’y pakpak niya’y mataas na lumipad.

Salamat, salamat, mga nagtiwala.
Pangarap,’di isasawalang bahala,
Kahit kalian ‘di titigil sa paglakbay.
Aking mga pangarap na abot kamay.

Sa lahat ng aking magiging kasabay,
Tayoay lalaban at hindi sasablay.
Madami man tayong kailangan ilakbay,
Sa dulo, tayo’y sabay-sabay kakaway.

Mithiin kong natanaw sa alapaap,
Umaasang makakamit sa hinaharap.
Naging matagal man ang proseso,
Ginagawa ko ito ng buong puso.


Comments

Popular na Akda

Bulag na katotohanan

Naranasan mo na bang hindi mabigyan ng sapat na katarungan at hustisya sa isang particular na bagay? Hindi ba nakakapang-hinayang sa ating kalooban? Ito ay dahil hindi binigyan n gating pamahalaan ang mga ‘extra judicial killings’, pagdanak ng dugo at pagkadamay at pagkamatay ng mga inosenteng tao. Batay sa mga nangyayari nitong mga nakalipas na buwan, sobrang dami nang mga namamatay na pinaghihinalaang mga tulak ng droga at mga kasong patungkol sa “war on drugs” at “summary execution”. Batay sa pagtala ng ABS-CBN Investigative and Research Group, tatlong libo’t apat na raan at pito ang nasasawi mula noong ika-10 ng Mayo 2016y hangang ika-9 ng Mayo 2017. 55.68% rito ay nanggaling sa mga operasyon ng kapulisan, 37.86% ay nagmula naman sa mga “unidentified assailants” at 6.46% naman ay natagpuan sa mga lugar na malapit sa lugar ng krimen. Kabilang na rito ang pagpatay sa mga menor de edad gaya nina Kian Lloyd Delos Santos at Carl Angelo Arnaiz, ito ay dahil sa napagkamalan silang mga “r...

Alapaap ng Tagumpay

Ibig kong makamit ang aking pangarap, Ramdam na ako’y nasa alapaap. Kailan nga ba natin ito makakamit? Ang ating pangarap na walang kapalit. Ating mga mithiingPinaghihirapan, Ay mayroong sariling kahalagahan. Sipag at tiyaga ang puhunan natin, Dagok at hirap ating marapatin. Rurok ng mithiin ay hindi maabot, Ngunit wag tayong susuko’t manlalambot. Dedikasyon sa pagkamit ang sandata, Upang makamit ang hangarin niya. Pagsuko’y wala sa’king bokabularyo, Pero kayo’y lagi kong saklolo. Wala tayong iwanan tungo sa dulo, Wala ni isa satin ang susuko. Pagsisikap natin tungo sa tagumpay, Pagtitiyaga nating walang kapantay. Mga ugaling ito ang tutulong satin, Patung sa rurok ng mithiin.