Inang Kalikasan
Mahal, ako nga pala ang iyong mundo.
Alagaan mo, buhay mo’y sigurado.
Kahit kalian ay hindi kita iiwan,
Basta’t h’wag mong lisanin parang larawan.
Anak, h’wag mo sana akong pabayaan.
Ako’y tanungin, ako ang kalayaan.
Kung ako man ay iyong aalagaan,
Ako’y magtatagal ng walang hangganan.
Habang lumilipas, oras, at panahon,
Nalimot na at ala-aang nabaon.
Saan na pangakong aalagaan mo,
Ako’y umaasa, pangako mo’y matamo.
Bigyan mo kong pansin at h’wag pabayaan,
Muling ibalik ang aking kalinisan.
Umaasang ika’y tutugon sa akin,
Ang aking pagluha iyo sanang dinggin.
Ako’y pansinin, h’wag mong talikuran.
Hindi mo ba alam ako’y nasasaktan.
Anak, alagaan mo ko ng may puso,
Tama na, tama na, iyong pang-aabuso.
so deep xd
ReplyDelete