“Inosenteng Buhay”
Ang buhay ng isang tao ay parang
isang ginto na kung saan ito ay napakahalaga para sa isang tao. Dapat hindi ito
binabawi sa isang indibidwal dahil sa isang pagkakamali na nagawa nito. Hindi
ito atin kaya wala tayong karapatang kunin ito sa iba.
Sa panahon ngayon, lumalaganap na
ang tinatawag nating Extra judicial
killing o ang pagpatay ng walang awa sa isang tao dahil sa batas ngunit
sumosobra na. ang mga criminal ay binabawian ng buhay dahil sa kanilang mga
kamaliang ginagawa sa ating lipunan. Subalit, sumusobra na dahil kahit ang mga
taong wala namang kasalanan ay kanilang pinapatay para sa kanilang sariling
benepisyo. Maraming mga bata na may mataas na pangarap sa buhay ay nadadamay at
namamatay dahil sa pag-aakala na sila ay nagdodroga. Tulad na lamang nila Kian
Delos Santos at Karl Arnaiz na may maganda at may mataas na pangarap sa buhay
ngunit nasira na lamang sa isang iglap dahil sa
pag-aakalang gumagamit ang mga ito ng droga. Ang mga pulis ngayon ay
hindi na ginagawa ng tama ang kanilang trabaho at hindi nila iniisip ang
mangyayari sa pamilyang pinapatay nila. Iniisip lang nila ang makukuha nilang
gantimpalang tataas ang posisyon nila kapag sila ay may nahuli o napatay na
drug user.
Kaya ngayon, imulat natin ang ating
mga mata at maging maalam tungkol ditto upang makita natin na mali na ang
nagiging patakaran ng ating gobyerno. Ang pagpatay sa isang tao ay mali dahil
hindi ito sa atin. Hindi maitatama ng mali ang isa pang pagkakamali.
Comments
Post a Comment