Skip to main content

Bulag na katotohanan

Naranasan mo na bang hindi mabigyan ng sapat na katarungan at hustisya sa isang particular na bagay? Hindi ba nakakapang-hinayang sa ating kalooban? Ito ay dahil hindi binigyan n gating pamahalaan ang mga ‘extra judicial killings’, pagdanak ng dugo at pagkadamay at pagkamatay ng mga inosenteng tao.
Batay sa mga nangyayari nitong mga nakalipas na buwan, sobrang dami nang mga namamatay na pinaghihinalaang mga tulak ng droga at mga kasong patungkol sa “war on drugs” at “summary execution”. Batay sa pagtala ng ABS-CBN Investigative and Research Group, tatlong libo’t apat na raan at pito ang nasasawi mula noong ika-10 ng Mayo 2016y hangang ika-9 ng Mayo 2017. 55.68% rito ay nanggaling sa mga operasyon ng kapulisan, 37.86% ay nagmula naman sa mga “unidentified assailants” at 6.46% naman ay natagpuan sa mga lugar na malapit sa lugar ng krimen. Kabilang na rito ang pagpatay sa mga menor de edad gaya nina Kian Lloyd Delos Santos at Carl Angelo Arnaiz, ito ay dahil sa napagkamalan silang mga “runner” ng droga sa kanilang mga lugar. Maaari ding isama sa pangyayaring ito ang naganap na ‘Hazing’ kay Horacio Castillo III na nagtungo sa pagkamatay ng estudyante ng pagaabogasya sa Unibersidad de Santo Tomas. Ngunit ang mga kasong ito ay hindi napagtutunan ng pansin makalipas ang ilang linggo o buwan. Ito ang dahilan ng karamihan kung bakit sila nagtatanim ng poot sa pulisya. Sa pagkakataong ito kailangan na nating mag-ingat at handa sa anumang pagkakataon, dahil maaaring mapaghinalaan tayong “Drug user” o “Drug pusher”, Dahil sa mga kasong ito bumababa ang tingin ng mga mamamayan sa ating kapulisan at nagdadalawang-isip na ang mga tao kung mapagkakatiwalaan ang mga pulis sa mga pagkakataong kailangan nila ng tulong sa kanila. Isa ring bunga nito ay pati ang mga pulis na nagseserbisyo ng tapat at tama sa ating lipunan ay nadadamay dahil lang sa mga masasamang kagagawan ng ibang pulis. Dahil ditto pumapanget ang imahe n gating kapulisan sa mata ng mga mamamayan.
Sa kabuuan, marami nang mga kasong tulad ng mga nasabing halimbawa ang hindi parin nabibigyan ng hustisya at hindi pa rin ito nareresolba. Dahil sa pagkilos ng ating kapulisan ng mabagal imbis na guminhawa ng kahit papaano ang pakiramdam ng mga pamilya ng biktima ay lalo pa itong nagagalit dahil sa kakuparan ng pagtakbo ng mga kaso ng mahal nila sa buhay. Ikaw bilang isa sa kinabukasan ng ating bayan, Paano ka makakatulong upang maisaayos ang pagpapalakad ng pamahalaan?

Comments

Popular na Akda

Ibong Malaya

Ibong Malaya Isang ibong nangangarap ng mataas, Maraming hadlang, ibong siya pa ring patas. Inaabot niya sa kanyang makakaya, O ibon, ika’y lumipad ng Malaya. Bigyan mo ng pansin, ibong tumatawag. Mga salitang sa kanya’y nagpatatag, Ang pangarap lang niya’y gusto niya matupad. Sana’y pakpak niya’y mataas na lumipad. Salamat, salamat, mga nagtiwala. Pangarap,’di isasawalang bahala, Kahit kalian ‘di titigil sa paglakbay. Aking mga pangarap na abot kamay. Sa lahat ng aking magiging kasabay, Tayoay lalaban at hindi sasablay. Madami man tayong kailangan ilakbay, Sa dulo, tayo’y sabay-sabay kakaway. Mithiin kong natanaw sa alapaap, Umaasang makakamit sa hinaharap. Naging matagal man ang proseso, Ginagawa ko ito ng buong puso.

Inang Kalikasan

Inang Kalikasan Mahal, ako nga pala ang iyong mundo. Alagaan mo, buhay mo’y sigurado. Kahit kalian ay hindi kita iiwan, Basta’t h’wag mong lisanin parang larawan. Anak, h’wag mo sana akong pabayaan. Ako’y tanungin, ako ang kalayaan. Kung ako man ay iyong aalagaan, Ako’y magtatagal ng walang hangganan. Habang lumilipas, oras, at panahon, Nalimot na at ala-aang nabaon. Saan na pangakong aalagaan mo, Ako’y umaasa, pangako mo’y matamo. Bigyan mo kong pansin at h’wag pabayaan, Muling ibalik ang aking kalinisan. Umaasang ika’y tutugon sa akin, Ang aking pagluha iyo sanang dinggin. Ako’y pansinin, h’wag mong talikuran. Hindi mo ba alam ako’y nasasaktan.  Anak, alagaan mo ko ng may puso, Tama na, tama na, iyong pang-aabuso.

BUKOD TANGI SA LAHAT

Isang babaeng kakaiba sa lahat Mga maling bagay sa kaniya’y ‘di dapat Nagbibigay ng atensyon sa nararapat At sa lahat ng gagawin ay magiging tapat Babaeng nakaramdam ng sakit at pighati ngunit palagi pa ring nakangiti Problema’t pagsubok man ay dumating sa Panginoon siya palaging lalapit Hindi perpekto ngunit kuntento kulay kayumanggi, talagang Pilipino Nag-aaral ng mabuti para sa mithiin at nagsusumikap para sa bituin Minsan ay masayahin, minsan maramdamin Madaling magalit ngunit madaling patawanin Walang ibang hiling kung hindi kapayapaan dito sa mundong nagkakasiraan Sumusubok ng mga bagong bagay para sa kaniyang buhay ay may gabay Pilitin mang hatakin ng iba siya’y hinding-hindi bibigay