“Pagluluksa sa Moralidad”
Tugmang Tula ni: Karl Andrei Santisteban | 10 - Honesty
Pagbukas ng radyo, krimen ang balita,
Dumanak ang dugo, Suspek bumulagta,
Bangkay niya’y nakabaluktot sa kalsada,
Sinasabing sanhi nito ay ang droga.
Ang balita kumalat sa kapuluan,
Pero bakit umalma ang karamihan?
Menor de edad ang kanilang nalaman,
At napag-alaman na siya’y tinaniman.
Mga pulis umalma sa binibintang,
Ang sabi nila’y ang grupo’y hindi mangmang.
Sa imbestigasyon ay walang humadlang,
At ang mga saksi, sa korte’y sumalang.
Commision on Human Rights ay namagitan
Sa dalawang panig na nagbabangayan.
Kaso ng pulis ay inimbestigahan,
At ang mga pulis ay balak kasuhan.
Karapatang Pantao ay prayoridad,
At handog ng gobyerno sa komunidad.
Panatilihin natin ang moralidad
Upang karapatan natin ay maunlad.
Comments
Post a Comment