Skip to main content

Sa Likod ng mga Bariles

“Sa Likod ng mga Bariles”

            Sa isang lungsod na tinatawag na Meycauayan ay mayroong mag-asawang ating pangalanang sina Gng. Novia at G. Karl Sy na may negosyong Maple Syrup. Si Karl ay isang kasal na lalaki na matangkad, pursigido sa buhay, negosyante, ngunit mainitin ang ulo. Siya rin ang Mayor ng Meycauayan at may-ari ng pinakamalaking produksyon ng Maple sa kanilang lungsod na tinatawag na Maple Corporation. Hanggang sa dumating sa buhay niya si Novia na mabait, positibo sa buhay, at lagging hinihikayat si Karl na huwag sumuko tuwing may problemang kinakaharap.

            Nagkakilala sila ni Novia dahil ang lolo nito ay matalik na kaibigan ng lolo ni Karl. Mayroon din silang isa pang kaibigan na may apo na ang pangalan ay Vina Cruz kaya doon nagsimula ang pagkahilig ng tatlo sa paggawa ng Maple Syrup. Noong natuto gumawa si Karl ng Maple, binenta niya ito ng paunti-unti hanggang sa lumago at naging pinakamalaking suplayer sa buong lungsod ng Meycauayan. Ang kanilang buhay ay payapa at masagana dahil malago ang kanilaang negosyo.
           
            Isang araw, lumapit si Vina sa kanila upang humingi ng tulong para masagip ang negosyo nito na kapareho sa kanila. “Karl, maaari mo ba akong tulungan? Bumabagsak na ang aking negosyo.” Pagmamakaawa ni Vina habang umiiyak at nakaluhod sa harap ni Karl.

            Napaisip ang lalaki at naawa sa kalagayan ni Vina ngunit bilang isang negosyante, hindi maganda ang pagkakaroon ng koneksyon sa isang negosyo na nalulugi na.
           
            “Paumanhin na Vina ngunit hindi kita matutulungan sa iyong problema dahil kung tutulungan kita maaaring pati ang aking negosyo ay bumagsak.” Sabi ni Karl nang may naaawang tingin kay Vina.

            Hindi naging maganda ang dating nito sa babae kaya naman umalis ito ng hindi nagpapaalam ng maayos at binagsak ang pintuan ng mag-asawa. Lumabas ng kwarto si Novia at nagtataka sa narinig. Tinanong niya si Karl kung anong nangyayari bago siya lumabas ng kanilang kwarto.
            “Karl? Anong nangyayari? Bakit may narinig akong malakas na kalabog?” tanong ni Novia kay Karl habang bumababa sa hagdanan.

            “Humingi ng tulong si Vina sa atin pero hindi ko siya napagbigyan sa kanyang kagustuhan.” Sabi ng lalaki habang nakatingin sa kawalan.

            “Bakit mo naman hindi pinagbigyan ang ating kaibigan?” tanong ni Novia kay Karl na may halong pagtataka.

            “Kapag kasi pinagbigyan natin siya sa gusto niyang mangyari, maaaring pati ang ating negosyo ay mapasama.” Sagot ni Karl kay Novia.

            Sa paglipas ng araw, napansin ng mag-asawa na napapalayo na ang loob ng kanilang matalik na kaibigan kaya naman nilapitan ni Novia si Vina noong naabutan niya ang babae na naglalakad sa gilid ng riles.

            “Vina!” sigaw ni Novia sa babae kaya naman napalingon ito sa kanya at huminto sa paglalakad.

            “Bakit mo ako tinawag?” tanong ni Vina sa kanya.

            “Napansin lang naming pero bakit mo kami iniiwasan?” tanong ni Novia sa kanya. “Ah wala, marami lang akong inaasikaso at saka ano bang pakielam niyo sa mga ginagawa ko?” Sagot ni VIna na mahahalata mo sa kanyang tinig ang pagkayamot at pagkainis. Pagkatapos sabihin ni Vina iyon, siya ay umalis na at iniwang nakatayo mag-isa si Gng. Novia. Pag-uwi ng babae ay kinuwento niya ito sa kanyang asawa na nadatnan niyang nakaupo sa kanilang sala.
           
            “Karl alam mo ba, nakausap ko si Vina kanina sa gilid ng riles at ramdam ko ang kanyang galit sa mga salitang binitawan niya sa akin. Ito ba ay dahil sa hindi mo pagtulong sa kanya?” Napailing na sinabi ni Novia kay Karl. Hindi nakasagot agad ang lalaki dahil nakokonsensya ito dahil hindi niya matulungan ang kanyang kaibigan subalit kung iisipin, mayroon pang mabigat na dahilan kung bakit ayaw ni Karl tulungan si Vina.

            Sa kabilang dako, noong naiwang mag-isa si Vina, naisip niya ang naging usapan nila ni Novia at napaisip siya paano kung hihingi siya ng tulong kay Karl gamit si Novia. Kaya naman dali-daling tinawagan ni Vina si Novia. “Novia, maaari mo ba akong tulungan sa aking negosyo? Malapit na itong malugi at bumagsak dahil mas tinatangkilik ng bayan ang inyo kaysa sa akin.”

            “Paano kita matutulungan?” Tanong naman ni Novia sa kanya. “Pilitin mo naman si Karl na kung pwede ay gumawa siya ng paraan upang bumalik ang lahat sa dati.” Pakikiusap ni VIna kay Novia. Dahil sa awa, wala nang ibang nagawa si Novia kundi pumayag sa paikusap ng kaibigan kahit alam niya sa sarili niyang hindi na magbabago ang isip ng kanyang asawa.

            Pag-uwi ni Novia, agad siyang napaupo sa kanilang sala at napasapo sa kanyang ulo dahil hindi niya maintindihan ang kanyang asawa kung bakit ayaw nitong tulungan  ang kanilang kaibigan. Agad kinausap ni Novia si Karl upang itanong ang totoong dahilan kung bakit ayaw nitong tumulong. Kilala niya ang kanyang asawa dahil hangga’t kaya nitong tumulonog ay gagawin niya.

            “Sabihin mo nga sa akin, bakit ayaw mo tulungan si Vina?”  Tanong ni Novia   kay Karl.

            “Hindi lamang nalulugi ang negosyo ni Vina. Nagkaroon rin siya ng illegal na transaksyon kaya naman kung tutulungan natin siya, maaaring masangkot rin tayo sa gulong kanyang pinasukan.” Mahabang paliwanag ni Karl sa kanyang asawa.

Comments

Popular na Akda

Ibong Malaya

Ibong Malaya Isang ibong nangangarap ng mataas, Maraming hadlang, ibong siya pa ring patas. Inaabot niya sa kanyang makakaya, O ibon, ika’y lumipad ng Malaya. Bigyan mo ng pansin, ibong tumatawag. Mga salitang sa kanya’y nagpatatag, Ang pangarap lang niya’y gusto niya matupad. Sana’y pakpak niya’y mataas na lumipad. Salamat, salamat, mga nagtiwala. Pangarap,’di isasawalang bahala, Kahit kalian ‘di titigil sa paglakbay. Aking mga pangarap na abot kamay. Sa lahat ng aking magiging kasabay, Tayoay lalaban at hindi sasablay. Madami man tayong kailangan ilakbay, Sa dulo, tayo’y sabay-sabay kakaway. Mithiin kong natanaw sa alapaap, Umaasang makakamit sa hinaharap. Naging matagal man ang proseso, Ginagawa ko ito ng buong puso.

Bulag na katotohanan

Naranasan mo na bang hindi mabigyan ng sapat na katarungan at hustisya sa isang particular na bagay? Hindi ba nakakapang-hinayang sa ating kalooban? Ito ay dahil hindi binigyan n gating pamahalaan ang mga ‘extra judicial killings’, pagdanak ng dugo at pagkadamay at pagkamatay ng mga inosenteng tao. Batay sa mga nangyayari nitong mga nakalipas na buwan, sobrang dami nang mga namamatay na pinaghihinalaang mga tulak ng droga at mga kasong patungkol sa “war on drugs” at “summary execution”. Batay sa pagtala ng ABS-CBN Investigative and Research Group, tatlong libo’t apat na raan at pito ang nasasawi mula noong ika-10 ng Mayo 2016y hangang ika-9 ng Mayo 2017. 55.68% rito ay nanggaling sa mga operasyon ng kapulisan, 37.86% ay nagmula naman sa mga “unidentified assailants” at 6.46% naman ay natagpuan sa mga lugar na malapit sa lugar ng krimen. Kabilang na rito ang pagpatay sa mga menor de edad gaya nina Kian Lloyd Delos Santos at Carl Angelo Arnaiz, ito ay dahil sa napagkamalan silang mga “r...

Alapaap ng Tagumpay

Ibig kong makamit ang aking pangarap, Ramdam na ako’y nasa alapaap. Kailan nga ba natin ito makakamit? Ang ating pangarap na walang kapalit. Ating mga mithiingPinaghihirapan, Ay mayroong sariling kahalagahan. Sipag at tiyaga ang puhunan natin, Dagok at hirap ating marapatin. Rurok ng mithiin ay hindi maabot, Ngunit wag tayong susuko’t manlalambot. Dedikasyon sa pagkamit ang sandata, Upang makamit ang hangarin niya. Pagsuko’y wala sa’king bokabularyo, Pero kayo’y lagi kong saklolo. Wala tayong iwanan tungo sa dulo, Wala ni isa satin ang susuko. Pagsisikap natin tungo sa tagumpay, Pagtitiyaga nating walang kapantay. Mga ugaling ito ang tutulong satin, Patung sa rurok ng mithiin.