Sinulid
Ni: Tristan Jhae C. De Vera
Ni: Tristan Jhae C. De Vera
Alam mo ba kung ano ang sinulid? Hindi ba ito ay napaka-pino at mayroong iba’t ibang
kulay? Ngunit ang sinulid ay isang hibla na kung pagbubuklurin ay makabubuo ng
isang kasuotan. Tulad ng sinulid ang dinastiyang politikal na kung saan may
iisang angkan ang namumuno sa isang lugar.
Hindi
biro ang paggawa sa isang kasuotan. Ito ay dumaraan sa maraming proseso tulad
na lamang ng pagpili ng uri ng tela, mananahi, disenyo at lalung-lalo na ang
kalidad at uri ng sinulid. Sastre at
modesta ang tawag sa mga mananahi. Ang pinakamatibay at pinakamagandang sinulid
ang gagamitin niya sa pananahi. Kahalintulad ng sinulid ang dinastiyang
politikal.
Sa
dinastiyang politikal, mayroong iisang pamilya na namumuno sa kanyang nasasakupan
at tulad ng sinulid, ang pinakamayaman, pinakamatibay, at pinakamakapangyarihan
ang nauupo sa trono ng katiwalian.
Sa
pagkahaba-haba ng panahon, bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nasusugpo?
Kaya hanggang ngayon hindi ito nasusupil ay dahil na rin sa kanilang pamimili ng boto at pagmomonopolyo
ng halalan. Sa pagdaan ng taon, lalong dumarami ang korapsyon at katiwalian sa
gobyerno na kinakailangan nang lutasin kung hindi ito’y sisira sa ating Inang
Bayan.
Ang
Anti-Dynasty Bill ay kailangan nang ipasa upang matigil na ang pananamantala ng
mga dinastiya sa taumbayan. Ang bill na ito ay makatutulong sa pag-unlad ng
bansa at ito rin ay makapipigil sa mga politiko na gusto lamang ay kaningningan ng
pangalan.
Wala
naming naidulot na maganda ang dinastiyang politikal dahil kahit sabihin na
malinis sila, mayroon pa ring “under the table” na transaksyon na hindi alam ng
mga Pilipino. Ito ay isang halimbawa lamang ng epekto ng dinastiyang politikal
na dapat iwaksi.
Tinatayang
70% ng mga politiko ay galling sa mga dinastiya. Ang mga apelyidong Aquino at
Marcos ay mga halimbawa ng dinastiya na magpahanggang ngayon ay namamayagpag sa
pulitika.
Sobra
na ang dinastiyang politikal sa Pilipinas. Iniisip lamang ng mga nasa pwesto
ang kanilang sarili at nalilimutan na ang kanilang mga mamamayan.
Kinakailangang matigil na ito upang sa gayon ay maging matiwasay na ang ating pamumuhay.
Magkaisa tayong labanan ang mga dinastiya. Kaya bilang Pilipino, ano ang kaya
mong gawin upang lutasin ang mga isyung panlipunan lalo na ang dinastiyang
politikal? Ikaw kabataan, ano ang magagawa mong bahagi sa paglutas sa isyung
ito? Hindi ba kabataan ang siyang pag-asa ng bayan?
Comments
Post a Comment