“Katapangan sa Katimugan ng Bansa” Maikling Kwento ni: Karl Andrei Santisteban | 10 - Honesty Noong Ika-23 ng Mayo ng taong 2017, inatake at kinubkob ng mga teroristang Maute ang siyudad ng Marawi, Lanao del Sur sa Mindanao. Agad na sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng mga terorista at ng mga sundalo’t pulis, kabilang na ang 1st Scout Ranger Regiment ng Special Operations Communications (SOCOM) ng Philippine Army. Si Major ( Komandante) Joseph Danilo ay kabilang sa 20th Scout Ranger Company , ang unang rumesponde sa Marawi. Hindi nila inaasahan ang lakas ng mga terorista kaya’t agad silang pumwesto sa mga lugar na ligtas sa pag-atake. Inutusan ni Danilo ang kanyang matalik na kaibigan na si Sgt. Ricardo Aquino na siguraduhin na bantayan ang tulay ng Bayumbong upang makapasok ang 3 rd Infantry Division (3 rd I.D.) ng Philippine Army sa lugar ng bakbakan. Ang squadron ni Aquino ay agad na tinanggal ang mga b...
Ang Kadiliman Laganap na ang kadiliman sa bansa. Galit, poot, nararamdaman ng masa. Ito’y hindi dapat maramdaman, Batang nakakaranas ng karahasan. Kadiliman, lumalaganap na sa atin. Nagiging hadlang na sa ating mithiin. Ating gobyernong matatabil ang dila, O Panginoon, patawarin mo sila. Kamatayan, kinukuha kabataan, Itigil na wala silang kasalanan. Mga inosenteng batang nag-aaral, Nakatatanda, nasa’n na iyong moral? O pulis, dapat ba kaming magtiwala? Sa gabi kami’y tamaan ng bala. Kayo’y tagapagligtas, bakit ganito? Matanda, bata, kami ay nalilito. Aking kaibigan, huwag ka nang lumabas pa. Kalye na tila ba ay mayroong sumpa. H’wag nang lumabas pagpatak ng alas diyes, Nawawala na mga ngiting kay tamis.