Skip to main content

Bughaw at Pula

Bughaw at Pula

Sa kanyang bansang sinilangan,
Karamihan ay magalang.
Ang aming baying minamahal,
Puno ng pagmamahal at dangal.

Kabayan, maraming maganda ditto.
Mapabundok man, tanawin, o tao.
Huwag kang mag-alala,
Ikaw ay sasaya.

Dito, ditto sa baying ito,
Marami kang matututunan.
Bayanihan ay uso rito,
Hindi ka pababayaan saan man patungo.

Ang buhay ditto ay masaya,
Maraming aral na makukuha.
Pait mapapalitan ng kaginhawaan,
Lupang Hinirang, Pilipinas ang ngalan.

Comments

Popular na Akda

Ibong Malaya

Ibong Malaya Isang ibong nangangarap ng mataas, Maraming hadlang, ibong siya pa ring patas. Inaabot niya sa kanyang makakaya, O ibon, ika’y lumipad ng Malaya. Bigyan mo ng pansin, ibong tumatawag. Mga salitang sa kanya’y nagpatatag, Ang pangarap lang niya’y gusto niya matupad. Sana’y pakpak niya’y mataas na lumipad. Salamat, salamat, mga nagtiwala. Pangarap,’di isasawalang bahala, Kahit kalian ‘di titigil sa paglakbay. Aking mga pangarap na abot kamay. Sa lahat ng aking magiging kasabay, Tayoay lalaban at hindi sasablay. Madami man tayong kailangan ilakbay, Sa dulo, tayo’y sabay-sabay kakaway. Mithiin kong natanaw sa alapaap, Umaasang makakamit sa hinaharap. Naging matagal man ang proseso, Ginagawa ko ito ng buong puso.

Inang Kalikasan

Inang Kalikasan Mahal, ako nga pala ang iyong mundo. Alagaan mo, buhay mo’y sigurado. Kahit kalian ay hindi kita iiwan, Basta’t h’wag mong lisanin parang larawan. Anak, h’wag mo sana akong pabayaan. Ako’y tanungin, ako ang kalayaan. Kung ako man ay iyong aalagaan, Ako’y magtatagal ng walang hangganan. Habang lumilipas, oras, at panahon, Nalimot na at ala-aang nabaon. Saan na pangakong aalagaan mo, Ako’y umaasa, pangako mo’y matamo. Bigyan mo kong pansin at h’wag pabayaan, Muling ibalik ang aking kalinisan. Umaasang ika’y tutugon sa akin, Ang aking pagluha iyo sanang dinggin. Ako’y pansinin, h’wag mong talikuran. Hindi mo ba alam ako’y nasasaktan.  Anak, alagaan mo ko ng may puso, Tama na, tama na, iyong pang-aabuso.

BUKOD TANGI SA LAHAT

Isang babaeng kakaiba sa lahat Mga maling bagay sa kaniya’y ‘di dapat Nagbibigay ng atensyon sa nararapat At sa lahat ng gagawin ay magiging tapat Babaeng nakaramdam ng sakit at pighati ngunit palagi pa ring nakangiti Problema’t pagsubok man ay dumating sa Panginoon siya palaging lalapit Hindi perpekto ngunit kuntento kulay kayumanggi, talagang Pilipino Nag-aaral ng mabuti para sa mithiin at nagsusumikap para sa bituin Minsan ay masayahin, minsan maramdamin Madaling magalit ngunit madaling patawanin Walang ibang hiling kung hindi kapayapaan dito sa mundong nagkakasiraan Sumusubok ng mga bagong bagay para sa kaniyang buhay ay may gabay Pilitin mang hatakin ng iba siya’y hinding-hindi bibigay