Skip to main content

Katapangan sa Katimugan ng Bansa

“Katapangan sa Katimugan ng Bansa”
Maikling Kwento ni: Karl Andrei Santisteban | 10 - Honesty

            Noong Ika-23 ng Mayo ng taong 2017, inatake at kinubkob ng mga teroristang Maute ang siyudad ng Marawi, Lanao del Sur sa Mindanao. Agad na sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng mga terorista at ng mga sundalo’t pulis, kabilang na ang 1st Scout Ranger Regiment ng Special Operations Communications (SOCOM) ng Philippine Army.

Si Major (Komandante) Joseph Danilo ay kabilang sa 20th Scout Ranger Company, ang unang rumesponde sa Marawi. Hindi nila inaasahan ang lakas ng mga terorista kaya’t agad silang pumwesto sa mga lugar na ligtas sa pag-atake. Inutusan ni Danilo ang kanyang matalik na kaibigan na si Sgt. Ricardo Aquino na siguraduhin na bantayan ang tulay ng Bayumbong upang makapasok ang 3rd Infantry Division (3rd I.D.) ng Philippine Army sa lugar ng bakbakan. Ang squadron ni Aquino ay agad na tinanggal ang mga barikada sa daanan at sinigurado rin nilang walang makakalusot na terorista sa tulay. Nagpaalam si Danilo kila Aquino at agad na pumasok sa battle area upang makapagtayo sila ng mga depensa.

Pagdating sa barangay ng Marantao, pinapaputukan ng mga terorista and grupo nila Danilo. Malakas ang kalaban kaya naman hindi sila agad nakausad sa kanilang lugar. Kasama ng mga lakas ng putukan ang mga nagliliparang bala mula sa mga sinper. Agad na nagpatawag ng anti-sniper units si Danilo sa radyo upang hindi malagas ang kanilang grupo.

Mayo 24 ng umaga, nakapasok na ang 3rd I.D. sa lugar ng bakbakan. Nagtulungan ang dalawang grupo upang mapalakas ang kanilang pwersa. Dala rin ng 3rd I.D. ang telegramang nag-uutos sa grupo ni Danilo na puntahan at magtayo ng depensa sa munisipyo ng Marawi, nakasaad din dito na ang 4th I.D. ang susunod na magbabantay sa tulay ng Bayumbong. Walang sinayang na oras ang grupo nila Danilo at agad na sinuyod ang mga daan papuntang munisipyo. Mabagal nilang sinuyod ang mga eskinita upang makasiguro na walang makakahadlang sa kanila. Ang mga daan ay mistulang tinanggalan ng kulay, walang tao, mga gamit na nagkalat sa mga daanan at mga hayop na pagala-gala. Sa kanilang paglalakad sa daan, nagradyo ang squadron ni Aquino na susunod na sila sa grupo nila Danilo dahil dumating na ang 4th I.D. na magbabantay sa tulay ng Bayumbong. Pagkatapos lakarin ng grupo nila Danilo ang mahigit dalawang kilometro, ay narating din nila ang munisipyo ng Marawi. Nakita nila sa mga mata ng mga sibilyan ang matinding takot dahil sa bakbakan.

Iniligtas ng ilang 3rd I.D. ang mga sibilyan na naroroon at agad na pinag-aralan nila Danilo ang plano kung papaano sila pupwesto sa buong paligid ng munisipyo kapag umatake na ang mga terorista. Naghintay sila ng tatlong oras kung mayroong susunod na utos ang nakataas ngunit wala silang natanggap.

Nagulat sila Danilo nang makatanggap ng panibagong telegrama mula sa nakatataas na opisyal na ipinadala sa mga ilang miyembro ng 3rd I.D. na naghatid ng
mga sibilyan galling sa munisipyo. Laman nito ang mensahe na nagsasabi na darating sa munisipyo ang Pangulo ng Pilipinas na si Romualdo Rodriguez sa ika-26 ng Mayo. Hindi nila inaasahan ang mensaheng ito at hindi rin nila alam kung bakit kailangan pang bumisita ang Pangulo sa gitna ng isang digmaan laban sa mga terorista. Nagbago ng plano sila Danilo at agad na gumawa ng plano kasama ang mga opisyales ng 3rd I.D.. Gabi na nang mag radyo sila Aquino na hindi sila makakarating ng munispyo hanggang sa hindi humihina ang mga sniper ng kalaban. Hindi lang sila Aquino ang nakaranas ng paglakas ng mga terorista, kundi pati na rin sila Danilo na nagbabantay sa munispyo ng Marawi.

            Mayo 25, bisperas ng pagdating ng Pangulo, unang narinig ng mga kasundaluhan sa Marawi ang pagbagsak ng mga bomba mula sa hanay ng Philippine Air Force. Kitang-kita sa rooftop ng munisipyo ang mga usok mula sa mga pagsabog ng mga bomba mula sa mga sundalo at terorista. Buong araw na nagtayo ng mga depensa ang mga sundalo sa munisipyo, habang nagkakaroon ng pulong sila Danilo sa munisipyo ay natanggap na rin nila ang briefing patungkol sa pagdating ng Pangulo ng Pilipinas sa munisipyo. Darating ang Pangulo ng alas-kwatro ng umaga at ssang araw lang ang itatagal niya sa munisipyo para hindi malaman at hindi mahuli ng mga terorista na naroroon pala ang Pangulo. Papangunahan at bibigyan niya ng moral ang mga sundalong naroroon pagnakarating na ang Pangulo sa munisipyo. Isa pa sa mga detalye ay hanggang Mayo 26 nalang ang 20th Scout Ranger Company sa munisipyo ng Marawi at papalitan sila ng 3rd Scout Ranger Company. May magsusundo sa kanilang hanay at sasabay sila sa pag-alis ng Pangulo. Agad na nagmadali sa pag-aayos ang mga sundalo sa munisipyo para sa paghahanda ng pagdating ng Pangulo.

            Mayo 26, alas-dos ng madaling araw, naririnig pa rin ang mga putukan ng mga baril sa mga malalayong bahagi ng Marawi. Nag radyo ang squadron nila Aquino at sinabi nila na maaari silang makarating sa munisipyo sa anumang oras ngayong araw. Mahigpit ang seguridad sa buong paligid ng munisipyo, matiyaga silang naghihintay sa pagdating ng pangulo sa susunod na dalawang oras. Pagsapit ng alas-tres ng umaga, nagradyo ang Presidential Security Group (PSG) sa mga sundalong naroroon at sinabing malapit na sila sa siyudad ng Marawi.

            “ETA: 45 minuto. Limang kotse ang nasa convoy namin. Magraradyo ulit kami pag nakatawid na kami ng tulay”

            Walang nakasagupa ang grupo nila Danilo sa paligid ng munisipyo. Tahimik ang kanilang lugar ngunit naririnig nila ang bakbakan sa malayong bahagi ng Marawi. Kinakabahan ang mga opisyales ng mga sundalong naroroon na baka may balak na atakihin ang munisipyo, ngunit hindi nila ito masyadong sineryoso dahil pinagbawalan ang mga mamamahayag na ibalita ang mga kilos ng pangulo.

            Makalipas ang 46 na minuto, “20th I.D., Ito ang PSG Escort Units, nakapasok na kami sa loob ng Marawi. Maging handa kayo sa pagdating namin.”

            Kita sa mga mukha ng sundalo ang saya na may kaba sa pagdating ng Pangulo. Hindi rin nila inalis sa kanilang isipan na maaaring may umatake sa kanila ngayong araw. Naririnig na nila ang mga kotseng paparating sa kanilang lugar, agad nilang binuksan ang gate ng munisipyo upang mabilis na makapasok ang convoy ng Pangulo. Dumating na ang limang itim na SUV sa tapat ng munisipyo. Bumaba muna ang mga PSG bago ang Pangulo upang masigurado ang kaligtasan ng Pangulo. Binigyan ng paggalang ng mga sundalo ang Pangulo at saka pumunta sa loob ng munisipyo upang kamayan naman ni Danilo ang Pangulo. Tumuloy sila sa isang silid upang kumustahin at malaman niya ang kondisyon ng mga sundalong naroroon. Tumagal ng dalawang oras ang kanilang pormal na kumustahan kaya’t sila ay nag-almusal muna kasama ang Pangulo. Pagkatapos nito ay nagpulong ulit ang mga opisyales at ang Pangulo kung papaano malalabanan ang mga terorista. Tumagal ang pagpupulong at natapos sila ng alas-dose ng tanghali. Lumabas ang Pangulo at kinamusta ang lahat ng sundalo sa ground ng munisipyo. Habang nagsasalita ang Pangulo ay nagkaroon ng matagal ng putukan malapit sa kanila, kaya naghanda ang lahat ng mga sundalo at sinigurado ng mga PSG na ligtas sa isang silid ang Pangulo. Habang naghahanda ang mga sundalo sa mga maaaring mga atake ay nagradyo ang grupo nila Aquino.

            “Major Danilo, Major Dan---lo! Si Sgt. ---uino ito! Kailang--- namin ng tulo--- ng, sobrang dami --- kala---. Binabanta-n--na--in---*pagsabog*----------------"
            “Aquino? Aquino? Naririnig mo ba ako? Aquino?”

            Hindi na sumagot si Aquino, narinig din ng Pangulo at ng mga PSG ang usapan nila sa radyo. Nananalangin sila na sana hindi umatake ang mga terorista sa munisipyo.

            Hindi nagtagal, umatake nga ang mga terorista sa buong paligid ng munisipyo, kahit saan sila tumingin ay nakikita nila ang mga kislap ng mga baril ng mga kalaban. Sumunod nito ang mga malalakas na pagsabog ng mga bomba sa paligid ng munisipyo. Mabilis ang mga pangayayari, dumanak ang dugo sa parehong panig mga pagyanig ng lupa dahil sa mga malalakas na pagsabog ay kanilang naramdaman. Nagreport ang Pangulo sa kinatawan ng Philippine Army at sa 3rd Scout Ranger Company na bilisan ang pagdating sa Marawi. Walang nagawa ang mga sundalo kundi protektahan ang Pangulo. Ilang oras na ang nakalipas at wala pa rin ang mga dagdag na kawal at tuloy-tuloy pa rin ang mga malalakas na putukan. Unti-unti silang nawawalan ng pwersa ngunit nagiging matatag pa rin sila. Nagradyo ang 3rd Scout Ranger Company na darating pa sila ng madaling araw ng Mayo 27. Nangamba ang mga sundalo na baka mapatay ng mga terorista ang Pangulo. Kinagabihan, nalalagas na ang mga kasundaluhan sa munisipyo ng Marawi pero alam nila na may tungkulin silang ipagtanggol ang pangulo. Sumapit na ang madaling araw ng Mayo 27, nagradyo ang 3rd Scout Rangers Company na nakapasok na sila ng Marawi. Matiyagang nag hintay ang mga kasundaluhan sa munisipyo. Nasaktuhan naman ng mga kasundaluhan na wala nang umaatake sa bandang unahan ng munispiyo kaya’t wala silang sinayang na oras at inihanda ang mga kotseng sasakyan ng Pangulo. Hindi pa sila makakalabas ng munisipyo dahil wala pa ang mga dagdag na kawal. Hanggang sa dumating na ang 3rd Scout Rangers Company, pinaligiran at patakbong pumunta ang mga PSG at ang Pangulo kasama si Danilo sa kotse ng Pangulo. Magkatabi sila ng Pangulo habang tumatakbo. Habang tumatakbo sila, may sumabog na bomba malapit sa mga convoy ng kotse. Tinamaan ng mga shrapnel ang mga PSG na nakapaligid sa kanila kabilang na si Danilo na lubhang nasugatan. Tuloy pa rin silang naglakad hanggang sa maisakay na ang Pangulo sa bulletproof na SUV. Hindi na kinaya ni Danilo ang mga sakit kaya’t nanghina siya. Binibit siya ng mga PSG at isinakay na siya sa isa sa mga SUV ng PSG upang dalhin sa pagamutan ng mga sundalo at habang nasa biyahe ay nawalan siya ng malay.

            Mayo 30, tatlong araw makalipas ang madugong bakbakan sa munisipyo noong Mayo 27 ay nagising si Danilo. Siya ay dinala sa AFP Medical Center sa Quezon City. Pinayagan siyang dalhin sa Kalakhang Maynila nang bumuti ang kanyang kondisyon noong Mayo 28. Nasa tabi niya ang kanyang pamilya at mga kaibigan na labis ang tuwa nang magising siya. Mayo 31 nang bumisita sa kanya ang Pangulo ng Pilipinas na nailigtas niya. Kinumusta siya nito at hatid niya rin ang mga magagandang balita at masamang balita.

            “Pasyensiya na,” sabi ni Rodriguez “napatay ang squadron ni Sgt. Ricardo Aquino noong nagkaroon ng atake sa munisipyo. Nakita ang kanilang mga bangkay 500 metro mula sa munisipyo. Lahat silang labing-dalawa ay namatay. May isa pa akong masamang balita, 35 ang napatay at 70 ang nasugatan sa pinamumunuan mong 20th Scout Ranger Company. Hindi talaga natin ito maiiwasan.”

            Pagkatapos sabihin ng Pangulo ang masamang balita ay napa-iyak si Danilo. Sinabi naman ng Pangulo ang mga magagandang balita.

            “Yung mga sundalo mo, nakaalis naman sila kasunod ng convoy natin. Payapa na ang munisipyo ng Marawi ngayon. Bibigyan kita at ng pamilya mo ng assistance mula sa gobyerno… Marami pa sana akong magagandang balita na sasabihin sayo, pero sasabihin ko lang ito sa Hunyo 5 sa Awarding Ceremony.”

            Tuwang-tuwa si Danilo at agad na niyakap ang Pangulo ng Pilipinas.

            Hunyo 5, sa open grounds ng Headquarters ng AFP ay ginanap ang Awarding Ceremony ng mga unang rumesponde sa Marawi. Pinarangalan ang 20th Scout Ranger Company ng Presidential Ribbon ng Pangulo. Samantalang si Major Joseph Danilo ay pinarangalan ng Wounded Personnel Medal, Military Merit Medal at ng Medal of Valor, ang pinakamataas na parangal sa mga kasundaluhan sa Pilipinas. Pagkatapos kabitan ng mga medalya ang mga sundalo ay nagkaroon ng maikling pahayag si Danilo sa harap ng mga kapwa sundalo at ng mga media.

            “Tungkulin ko na ipagtanggol ang mga Pangulo dahil iniutos sa akin ito. Kaya nga ako naging sundalo kasi kaya kong panindigan ang mga iniuutos sa akin at handa rin akong mamatay para sa bayan.”


            Pagkatapos ng seremonya ay payapang umuwi si Joseph Danilo sa kanilang tahanan at nagsalo-salo kasama ang Pangulo.

Comments

Popular na Akda

Ibong Malaya

Ibong Malaya Isang ibong nangangarap ng mataas, Maraming hadlang, ibong siya pa ring patas. Inaabot niya sa kanyang makakaya, O ibon, ika’y lumipad ng Malaya. Bigyan mo ng pansin, ibong tumatawag. Mga salitang sa kanya’y nagpatatag, Ang pangarap lang niya’y gusto niya matupad. Sana’y pakpak niya’y mataas na lumipad. Salamat, salamat, mga nagtiwala. Pangarap,’di isasawalang bahala, Kahit kalian ‘di titigil sa paglakbay. Aking mga pangarap na abot kamay. Sa lahat ng aking magiging kasabay, Tayoay lalaban at hindi sasablay. Madami man tayong kailangan ilakbay, Sa dulo, tayo’y sabay-sabay kakaway. Mithiin kong natanaw sa alapaap, Umaasang makakamit sa hinaharap. Naging matagal man ang proseso, Ginagawa ko ito ng buong puso.

Bulag na katotohanan

Naranasan mo na bang hindi mabigyan ng sapat na katarungan at hustisya sa isang particular na bagay? Hindi ba nakakapang-hinayang sa ating kalooban? Ito ay dahil hindi binigyan n gating pamahalaan ang mga ‘extra judicial killings’, pagdanak ng dugo at pagkadamay at pagkamatay ng mga inosenteng tao. Batay sa mga nangyayari nitong mga nakalipas na buwan, sobrang dami nang mga namamatay na pinaghihinalaang mga tulak ng droga at mga kasong patungkol sa “war on drugs” at “summary execution”. Batay sa pagtala ng ABS-CBN Investigative and Research Group, tatlong libo’t apat na raan at pito ang nasasawi mula noong ika-10 ng Mayo 2016y hangang ika-9 ng Mayo 2017. 55.68% rito ay nanggaling sa mga operasyon ng kapulisan, 37.86% ay nagmula naman sa mga “unidentified assailants” at 6.46% naman ay natagpuan sa mga lugar na malapit sa lugar ng krimen. Kabilang na rito ang pagpatay sa mga menor de edad gaya nina Kian Lloyd Delos Santos at Carl Angelo Arnaiz, ito ay dahil sa napagkamalan silang mga “r...

Alapaap ng Tagumpay

Ibig kong makamit ang aking pangarap, Ramdam na ako’y nasa alapaap. Kailan nga ba natin ito makakamit? Ang ating pangarap na walang kapalit. Ating mga mithiingPinaghihirapan, Ay mayroong sariling kahalagahan. Sipag at tiyaga ang puhunan natin, Dagok at hirap ating marapatin. Rurok ng mithiin ay hindi maabot, Ngunit wag tayong susuko’t manlalambot. Dedikasyon sa pagkamit ang sandata, Upang makamit ang hangarin niya. Pagsuko’y wala sa’king bokabularyo, Pero kayo’y lagi kong saklolo. Wala tayong iwanan tungo sa dulo, Wala ni isa satin ang susuko. Pagsisikap natin tungo sa tagumpay, Pagtitiyaga nating walang kapantay. Mga ugaling ito ang tutulong satin, Patung sa rurok ng mithiin.