Ang Kadiliman
Laganap na ang kadiliman sa bansa.
Galit, poot, nararamdaman ng masa.
Ito’y hindi dapat maramdaman,
Batang nakakaranas ng karahasan.
Kadiliman, lumalaganap na sa atin.
Nagiging hadlang na sa ating mithiin.
Ating gobyernong matatabil ang dila,
O Panginoon, patawarin mo sila.
Kamatayan, kinukuha kabataan,
Itigil na wala silang kasalanan.
Mga inosenteng batang nag-aaral,
Nakatatanda, nasa’n na iyong moral?
O pulis, dapat ba kaming magtiwala?
Sa gabi kami’y tamaan ng bala.
Kayo’y tagapagligtas, bakit ganito?
Matanda, bata, kami ay nalilito.
Aking kaibigan, huwag ka nang lumabas pa.
Kalye na tila ba ay mayroong sumpa.
H’wag nang lumabas pagpatak ng alas diyes,
Nawawala na mga ngiting kay tamis.
Comments
Post a Comment