Skip to main content

Ang Huling Sundalo

Ang Huling Sundalo 
Ni: Tristan Jhae C. De Vera

            Sa kasagsagan ng huling taon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, may isang batalyon ng sundalong Hapon ang dumating sa Pilipinas. Ito ay pinamunuan ni Maj. Heiji Hattori at isa sa kanyang mga sundalo ay ang paksa ng kwentong ito. Siya si Masaharu Onaka. 23 taong gulang lamang siya nang isabak sa tungkulin g pansundalo.
            Masaharu Onaka,” tawag ni Maj. Hattori. “Yes, sir!” tugon ni Hiro. “Itatalaga kita sa may timog ng Maynila, sa may Batangas upang aking maging mata at tainga sa pagmamanman sa mga kalaban. Ito ay iuulat mo sa aking direkta at kung alam mong ikaw ay nasa panganib, gamitin mo ang iyong baril at bayoneta upang gawin mong sandata kung sakaling ikaw ay makasagupa ng mga Pilipino o Amerikanong sundalo,” dagdag ni Maj. Hattori. “Opo sir! Ngayon din po ay tutulak na ako pa-Batangas upang gawin ang aking sinumpaang tungkulin sir,” tugon ni Masaharu. Kinagabihan ng araw ding iyon ay tumulak na siya papuntang Batangas.
            Tanghaling tapat na niya narating ang Lungsod ng Batangas. Tumuloy siya sa himpilan ng mga Hapon na malapit sa bahay ng noong Pangulong Jose Laurel. Nagpahinga siya sa himpilan hanggang bago sumapit ang dapit-hapon. Kinahapunan niyon ay nagpatrolya na siya sa Lungsod at nang sumapit na ang alas-otso ng gabi ay tumungo siya sa  may kanayunan upang ituloy ang pagmamasid. Ngunit sa kanyang pagmamasid ay wala siyang nakita na anumang bakas o bahid ng kalaban kaya nagpasya na siya na matulog na sa may gubat dahil kung sakaling may lulusob na kalaban ay malalaman nniya agad ito. Kinabukasan ay tumulak na siya pa-lungsod upang ibalita sa kanyang pinuno ang kanyang nalaman sa unang araw.
              “Magandang umaga po sir!” ang umagang bungad ni Masaharu kay Maj. Hattori. “Magandang umaga rin Masaharu, ano ang iyong ibabalita sa akin?,” wika ni Maj. Hattori. “Wala po akong nakita na anumang bahid o bakas ng mga kalaban dito sa Batangas, sir!” tugon ni Masaharu. “Ah, ganoon ba o sige, ipagpatuloy mo pa rin ang iyong pagmamasid hanggang sabihin ko na itigil mo.” Ang binitawang salita ni Maj. Hattori kay Masaharu bago sila magpaalam.
            Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay tumulak na si Masaharu sa masukal na gubat ng Batangas malapit sa baybayin ng Nasugbu upang ituloy ang pagmamasid at pagpapatrolya na iniatas sa kanya. Tatlong araw siyang nagmamanman sa may parteng iyon ngunit wala pa ring mga kalabang dumarating. Hapung hapo ang kanyang katawan dahil sa mahabang lakaran at matinding sikat ng araw. Sa ika-apat na araw ng kanyang pagmamasid ay hindi siya nabigo sa kanyang pagparoon dahil nadatnan niya ang  pagdaong ng mga Amerikanong sundalo sa baybayin. Agad siyang nagkubli sa talahiban upang hindi makita ng kalaban. Pagkaraang makita niya na wala na ang kalaban ay bumalik na siya sa lungsod upang babalaan ang kumander ng himpilan sa Lungsod ng Batangas. “Mga Amerikano! Paparating na.” sigaw ni Masaharu habang papalit siya sa himpilan. Bumatingaw ang kampana at sirena ng himpilan hudyat na paparating na ang kalaban sa lungsod. Makaraang gawing niya iyon ay tumungo siya sa opisina ng telegrama upang ipabatid sa kanyang pinuno na may mga Amerikano nang dumating sa Batangas. Tinawagan siya ni Maj. Hattori pagkaraan ng tatlong minuto mula ng kanyang ipadala ang telegrama.
               “Sir, dumating na ang mga Amerikano sa Batangas. Sobra po sa isandaang mga sundalo kasama na po ang mga matataas na kalibre ng armas mga trak na kanilang sasakyan. Sakay po sila ng limang barko.” Wika ni Masaharu sa kanyang pinuno sa telepono. “Ganoon ba? Huwag kang mag-aalala at bibigyan kita ng dalawang sundalo na iyong makakasama sa pakikibaka at pagmamasid. Hintayin mo sila sa may bukana ng lungsod bago magtanghaling tapat” tugon ni Maj. Hattori. “Tandaan mo Masaharu, babalikan ko kayo diyan upang sunduin,” dagdag niya. “Opo sir. Hihintayin ko po sila sa bukana ng lungsod lalung lalo na po kayo,” ang pangako ni Masaharu sa kanyang pinuno.
            Bago magtanghaling tapat ay narating na ng dalawang sundalo ang Lungsod ng Batangas. “Ako po si Shinichi Otaka,” at “Ako naman po si Asahi Asano,” ang bati ng dalawang sundalong ipinadala ni Maj. Hattori. “Kayo pala ang mga ipinadalang sundalo upang tulungan ako. Ako naman pala si Masaharu Onaka, ang pinuno ng intel commission dito sa Batangas.” Ang tugon ni Masaharu sa dalawang sundalo.
Tumulak sila sa himpilan ng Hapon sa gitna ng lungsod. Doon na nagpalipas ng gabi ang mga sundalo bago ipagpatuloy ang kanilang gampanin.  Kinaumagahan ay sumabak na sila sa pakikipaglaban sa mga kaaway. Ang mga malalakas na dagundong ng mga kanyon ng Amerika at ang pagapapalitan ng mga putok ng baril ang namamayagpag sa buong lungsod. Lahat ng mga mamamayan ay nagsitago sa kanilang mga bunkers upang hindi matamaan ng mga bomba at baril. Kaalinsabay nito ay ang pagtakbo ng tatlo papunta sa gubat upang doon harapin ang mga kaaway na sundalong papasok pa lamang ng lungsod. Dito ay nakapatay sila ng tatlong Pilipino at Amerikanong sundalo na nagpupumilit pumasok sa bayan.
Makaraan lamang nito ay tumungo sila sa baybayin ng Nasugbu upang sumakay ng lantsa na ruta ay papuntang Isla ng Lubang, kanluran ng Maynila at hilaga ng Coron, Palawan. Tatlong oras nilang binaybay ang masungit na Kipot ng Lubang. Nang makalapag sila sa lupain ng Lubang ay tumuloy sila sa isang panuluyan na pagmamay-ari ng isang negosyanteng Hapon. Dito nila ipinagpatuloy ang pakikipaglaban dahil ayon sa nakalap na impormasyon ni Hiro ay dito susunod na lalapag ang mga pwersang Pilipino’t Amerikano mula sa Leyte.
“May kalabang paparating. Sa tingin ko isa iyang Pilipino,” wika ni Shinichi.  “Sa tingin ko rin,” patunay ni Asahi. “Ako na ang babaril sa kanya,” sagot ni Masaharu sa dalawa. Binaril nga ni Hiro ang Pilipinong sundalo habang nag-aayos ito ng kanyang armas.
Agad silang kumaripas ng takbo papuntang gubat upang hindi sila matunton ng mga kinauukulan at mga kaaway. Sa kweba ng Bundok Lubang sila nagtatago dahil kung sakaling may mga ninuno na naninirahan doon ay hindi sila maibabalita sa bayan. Makalipas ang isang buwan ay sumuko ang Hapon sa Amerikano at tinanggap ang kanilang pagkatalo. Pagkaraan naman ng 11 na buwan ay inihayag na ng Amerikano ang kalayaan ng Pilipinas mula sa mga mananakop. Hindi ito mapaniwalaan ng tatlo dahil alam nilang hindi natitibag ang lakas ng imperyo. Iniisip lamang nila na ito ay isang patibong ng mga Amerikano upang sila ay madakip. Sa halip na bumalik sa kweba, sila ay pumaroon sa nayon at pumatay ng mga Pilipino na kanilang inaakala na mga sundalo na nagpapanggap na sibilyan. Humigit kumulang 30 na katao ang kanilang napatay sa loob lamang ng dalawang araw na pakikibaka.
Nalaman ito ng pulisya at ni Ramon Faro, Mayor ng Lubang. Agad silang nagpatawag ng imbestigasyon upang malaman kung sino ang may pakana sa masaker na ito. Sa kanilang pangangakap ng datos ay walang makapagsasabi kung sino nga ang may pakana ng karumal dumal na pagpatay sa halos isang buong barangay. Sabi ay sinimulan ng Hukbalahap ngunit ang iba ito ay kagagawan ng mga elemento. Natigil ang pag-iimestiga kaya ang mga Hapong sundalo ay nakaligtas sa mga kinauukulan.
Bumalik sila sa kweba pagkaraan ng kanilang ginawa at hindi na nakita sa loob ng tatlong buwan. Sa pagdaan ng panahon, unti unti na silang nanghihina dala na rin ng pagtanda.
“Hindi ko na kaya. Gusto ko nang umuwi sa Hokkaido upang makasama ang aking naiwang pamilya.” Ang wika ni Shinichi. “Iiwanan mo kami dito para lamang sa pasarili mong kagustuhan. Hindi mo isipin ang Amang Bayan.” Ang galit na tugon ni Masaharu. “ Malay mo nga totoo ang mga nakikita natin na malaya na ang Pilipinas at ang mga tao ay hindi na mga Amerikano kundi Pilipino,” ang pabalang na sagot ni Shinichi. “Naniniwala ka sa mga pinaggagawa nila? Sige umalis ka. Isa ka lamang duwag na sundalong hindi kayang ipagtanggol ang Imperyo!” Ang pasigaw na wika ni Masaharu.
Umalis nga si Shinichi, iniwan ang dalawa at tumungo sa Maynila upang makausap ang embahador ng Hapon as Pilipinas. Narating niya ang kapitolyo limang araw pagkatapos lisanin ang Lubang. Sa Maynila niya nakausap at nakapanayam si Amb. Hideki Kaito upang sabihin ang kanyang kalagayan.
“Magandang Hapon po Ginoong Kaito. Ako po si Shinichi Otaka, isang sundalo na lumalaban sa kaaway sa Lubang” sabi ni Shinichi. “Huwag kang magbiro sa akin. Alam kong wala ng mga sundalong Hapon dito sa Pilipinas kaya bakit mo sinasabing ikaw ay sundalo ng imperyo?” tanong ni Amb. Kaito. “Paniwalaan niyo po ako. Tanungin niyo man ang Sandatahang Lakas natin ay isa ako sa kanilang mga sundalo” tugon ni Shinichi. Tinawagan ng embahador ang kanilang Hukbong Sandatahan at napag-alaman niya na totoo nga na siya ay isang sundalo. “ Bakit ngayon ka lamang nagpakita sa amin eh matagal nang natapos ang digmaan at sumuko ang ating bansa?” tanong ni Amb. Kaito. “Akala ko po ay biro lamang ang aming nakikita at naririnig na ito ay isang patibong ng mga sundalo ngunit ng makita ko na hindi pala ay nagpasya na akong sumuko sa inyo.” Ang tugon ni Shinichi. “Tatlo po kaming sundalo na naiwan at sila po ay nasa Lubang.” Dagdag niya. Nagulumihanan ang embahador ngunit tiniyak niya na makuuwi si Shinichi ng ligtas sa Hokkaido.
Pagkalipas ng tatlong taon, habang nangingisda sa karagatan si Asahi ay nahuli siya ng Hukbong Dagat ng Indonesia dahil sa pumasok siya sa katubigan ng Indonesia. Siya ay ikinulong sa Yogyakarta upang harapin ang karampatang parusa. Naiwang mag-isa si Masaharu sa pakikipaglaban sa mga sinasabi niyang kaaway. Hindi alam ni Masaharu na nahuli ang kanyang kaibigan ngunit alam niyang nakauwi na si Shinichi sa Hokkaido kaya nagpasya siya na lalong paigtingin ang pagmamanman para sa imperyo. Hindi na niya makausap ang pinuno dahil sa nagbago na ang mga numero nila at sila ay nasa kabundukan. Nagpatuloy siya sa pagpatay ng mga inosenteng mamamayan at mga pulis na kanyang nasasagupa. Nakarating ulit ito kay Mayor Faro kaya nagpatawag ulit siya ng imbestigasyon ngunit lumabas na ito ay kagagawan ng Hukbalahap - gerilyang lumalaban sa gobyerno. Mahigit 30 taon ang inilagi ni Hiro sa Pilipinas kasama na ang kanyang pagpaslang sa mga tao. Ipinaglalaban pa rin niya ang ngalan ng maningning niyang Imperyo na sa katotohanan ay bumagsak na.
Ngayo’y matanda na, puti na ang buhok, at kulubot na ang mukha, ngunit ang kanyang damit pansundalo ay parang bago pa rin. Umaga man o gabi ay itinuloy pa rin niya ang pamamaril sa mga tao sa Lubang. Nabahala na ang mga kinauukulan ng Lubang kaya ipinasabi na ni Mayor Ramon Faro ito sa Malacañang upang malaman ni Pang. Marcelo Fernando, ang Pangulo ng Pilipinas ang mga nangyayari sa kanilang lugar.
“Ano ba ang nangyayari sa Lubang? Bakit maraming sibilyan ang napasalang? Kailangan kong malaman ang nangyayari at kung sino ang pasimuno nito,” wika ng pangulo. “Aalamin po namin ito pangulo at sisiguraduhin po namin na mahuhuli ng Sandatahang Lakas ang may pakana ng mga pagpaslang.” Tugon ni Hen. Fidel Valdez, Chief of Staff ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas.
Nag-organisa si Hen Valdez ng mga grupo na aalam at huhuli sa salarin. Sa kabilag dako naman ay patuloy na dumarami ang napapaslang ni Hiro sa Lubang at dahil sa kanyang nagawa ay hinahanap na rin siya ng mga taga-Lubang. Nagtatago siya sa iba’t ibang kweba at panig ng bundok at gubat ng isla. Ito ay nakuha niya dahil na rin sa kanyang posisyon bilang intel commander. Lalong nagalit ang pangulo dahil lalong dumarami ang nawawalang sibilyan sa bansa. Nais na niyang magdeklara ng Act of Terrorism ngunit nauna niyang idineklara ang Batas Militar sa buong bansa kaya sabi niya sapat na ito para hulihin ang kriminal. Matapos ang isang taong pangangalap ng datos ay nakumpirma na nila kung sino ang may kagagawan.
“Mahal na pangulo, isa pong sundalong Hapon ang ating kaaway.” Wika ni Hen. Valdez sa isang pagpupulong ng kabinete. “Hapon? Hindi ba tapos na ang digmaan kaya bakit isang sundalong Hapon ang kaaway natin?” Sabi ng pangulo. “Ano ba ito, isang hudyat ng pakikidigma ulit ng Hapon sa Pilipinas?” dagdag niya. “Sa tingin ko po hindi dahil napag-alaman namin na dumating po siya sa bansa nang kasagsagan ng digmaan.” Wika ng Hen. “Ibig mo bang sabihin na nakikipaglaban siya sa atin dahil hindi niya alam na natapos na ang digmaan?” Tanong ng pangulo. “Opo sir. Mukha nga po na ganoon ang nagyari. Ang pangalan po pala niya ay Masaharu Onaka.” Tugon ng heneral “Kung gayon, ipatawag mo ang embahador ng Hapon ngayon din at aking kakausapin ukol sa pangyayaring ito.” Ang utos ni Pang. Fernando kay Hen. Valdez.
Tumungo ang heneral sa embahada ng Hapon sa Makati upang ipagbigay alam ang pangyayari at ang sundalong Hapon. Hindi makapaniwala ang embahador na makakita ng isang heneral ng Pilipino sa kaniyang tahanan kaya winika niya kay Hen. Valdez na “Ano po ang kailangan ninyo sa akin? Bakit isang heneral ang pumunta sa akin sa halip na kalihim ng gobyerno?” Tugon ng heneral, “Isang lihim na misyon ang aking sinadya dahil isang sundalong Hapon ang may salarin sa nangyayari.”
“Ano ang iyong sinasabi, wala ng Hapong sundalo dito kaya bakit mo ibinibintang sa amin iyan? Makikipag digma ba kayo sa amin?” wika ng embahador. “Masaharu Onaka, isang sundalo noon pang huling digmaan. Siya ay namamaril sa mga sibilyan sa Lubang at ngayo’y nagtatago sa gubat ng isla.” Tugon niya.
Hindi alam ni Amb. Kaito na totoo ang sinsasabi ni Shinichi tungkol sa mga kasama niya sa Lubang. Agad niyang pinuntahan ang pangulo sa Malacañang upang kausapin ukol sa bagay na iyon.
“Magandang araw, mahal na pangulo” bati ng embahador. “Kausapin mo ang inyong sundalo at pilitin na sumuko at kung hindi ay mapipilitan akong makipagdigma sa inyo.” Tugon ng pangulo. “Opo kakausapin ko siya at pipilitin na bumaba at sumuko sa gobyerno” ang wika ni Amb. Kaito.
Pagkatapos nito ay umalis na ang embahador at pumunta sa Lubang upang kausapin si Masaharu na hanggang ngayon ay nagtatago pa rin sa gubat ng isla at patuloy na lumalaban sa mga sibilyan. Hinanap niya ang sundalo hanggang makita niya ito pagkalipas ng tatlong linggo. Pinilit niyang pakiusapan na sumuko na siya sapagkat tapos na ang digmaan ngunit hindi naniniwala si Hiro.
“Hindi sumusuko an gating imperyo. Ang Imperyo ng Hapon ay kailanman di babagsak sa mga Amerikano!” wika ni Hiro kay Amb. Kaito. “Bumagsak na ang maningning nating imperyo Masaharu, 30 taon na ang nakalilipas. Tanggapin mo na tapos nan ang digmaan at sumuko ka na.” pilit na winiwika ni Amb. Kaito kay Masaharu. “Bababa lamang ako rito sa isang kondisyon, sasabihin sa akin ng aking pinuno na tapos na ang digmaan at babalikan ako.” Wika ni Hiro.
Bumaba ang embahador sa bundok at kanyang kinausap ang pinuno ng sandatahan ng Hapon upang hanapin ang dating pinuno ni Masaharu, si Maj. Heiji Hattori. Natagpuan nila ito sa may Nagano, Japan na ngayo’y may-ari na ng isang silid-aklatan. Agad na pinapunta ng embahador si Maj. Hattori upang ipabatid ng major kay Masaaru na tapos na ang digmaan. Pagkaraan ng isang buwan, bumalik sila sa Lubang kausapin si Masahar.
Masaharu Onaka,” tawag ni Maj. Hattori. “Sir! Nagagalak po akong makita ka sir!” tugon ni Masaharu. “Tinupad ko na ang aking pangako sa iyo na anuman ang mangari ay babalikan kita upang sunduin at bumalik sa ating bansa.” Ang galak na wika ng pinuno. “Tapos na ang digmaan aking kaibigan. Itigil mo na ang pagpaslang sa mga sibilyan. Tayo’y bumalik na sa ating pinakamamahal na Imperyo ng Hapon.” Ang paanyaya ni Maj. Hattori. “Tapos na talaga ang digmaan?” tanong ni Masaharu. “Oo tapos na ang digmaan 30 taon na ang nakalilipas.” Tugon ng kanyang pinuno.
Pagkaraan ay bumaba na sila sa bundok at tumungo sa Maynila upang makatagpo si Pang. Marcial Fernando. Isinuko ni Masaharu ang kanyang mga armas sa pangulo at siya ay binigyan ng absolute pardon ng pangulo mula sa kanyang mga pagkakasala. Opisyal na siyang retiradong sundalo ng Hapon matapos niyang isuko ang armas.

Comments

Popular na Akda

Ibong Malaya

Ibong Malaya Isang ibong nangangarap ng mataas, Maraming hadlang, ibong siya pa ring patas. Inaabot niya sa kanyang makakaya, O ibon, ika’y lumipad ng Malaya. Bigyan mo ng pansin, ibong tumatawag. Mga salitang sa kanya’y nagpatatag, Ang pangarap lang niya’y gusto niya matupad. Sana’y pakpak niya’y mataas na lumipad. Salamat, salamat, mga nagtiwala. Pangarap,’di isasawalang bahala, Kahit kalian ‘di titigil sa paglakbay. Aking mga pangarap na abot kamay. Sa lahat ng aking magiging kasabay, Tayoay lalaban at hindi sasablay. Madami man tayong kailangan ilakbay, Sa dulo, tayo’y sabay-sabay kakaway. Mithiin kong natanaw sa alapaap, Umaasang makakamit sa hinaharap. Naging matagal man ang proseso, Ginagawa ko ito ng buong puso.

Bulag na katotohanan

Naranasan mo na bang hindi mabigyan ng sapat na katarungan at hustisya sa isang particular na bagay? Hindi ba nakakapang-hinayang sa ating kalooban? Ito ay dahil hindi binigyan n gating pamahalaan ang mga ‘extra judicial killings’, pagdanak ng dugo at pagkadamay at pagkamatay ng mga inosenteng tao. Batay sa mga nangyayari nitong mga nakalipas na buwan, sobrang dami nang mga namamatay na pinaghihinalaang mga tulak ng droga at mga kasong patungkol sa “war on drugs” at “summary execution”. Batay sa pagtala ng ABS-CBN Investigative and Research Group, tatlong libo’t apat na raan at pito ang nasasawi mula noong ika-10 ng Mayo 2016y hangang ika-9 ng Mayo 2017. 55.68% rito ay nanggaling sa mga operasyon ng kapulisan, 37.86% ay nagmula naman sa mga “unidentified assailants” at 6.46% naman ay natagpuan sa mga lugar na malapit sa lugar ng krimen. Kabilang na rito ang pagpatay sa mga menor de edad gaya nina Kian Lloyd Delos Santos at Carl Angelo Arnaiz, ito ay dahil sa napagkamalan silang mga “r...

Alapaap ng Tagumpay

Ibig kong makamit ang aking pangarap, Ramdam na ako’y nasa alapaap. Kailan nga ba natin ito makakamit? Ang ating pangarap na walang kapalit. Ating mga mithiingPinaghihirapan, Ay mayroong sariling kahalagahan. Sipag at tiyaga ang puhunan natin, Dagok at hirap ating marapatin. Rurok ng mithiin ay hindi maabot, Ngunit wag tayong susuko’t manlalambot. Dedikasyon sa pagkamit ang sandata, Upang makamit ang hangarin niya. Pagsuko’y wala sa’king bokabularyo, Pero kayo’y lagi kong saklolo. Wala tayong iwanan tungo sa dulo, Wala ni isa satin ang susuko. Pagsisikap natin tungo sa tagumpay, Pagtitiyaga nating walang kapantay. Mga ugaling ito ang tutulong satin, Patung sa rurok ng mithiin.