“Ang Nasirang Imahe”
Sanaysay ni: Karl Andrei Santisteban | 10 - Honesty
Madalas
nating naririnig sa mga balita ang madalas na patayan sa ating bansa. Yung mga
patayan na hindi nakikilala ang mga pumapatay o yung mga pulis ang sangkot sa
mga patayan na wala namang search warrant
o arrest warrant; at yung mga
biktimang wala naman talagang ginagawang masama. Extrajudicial Killings ang tawag dito, ngunit paano ng aba nasisira
ang imahe ng Pilipinas sa buong mundo ng dahil dito?
Isa
tayo sa mga founding members ng United Nations matapos ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig at inaasahang respetuhin ang karapatang pantao ng mga
mamamayan ng ating bansa. Pero ngayon, mismong mga pulis na mismo ang kumikitil
sa buhay ng ilan nating mga kababayan. Kapag napuna naman ng mga lider ng
iba’t-ibang bansa, mumurahin pa ng ating pangulo at ipagtatanggol ang mga pulis
na sangkot dito; nawawalan narin ng silbi ang mga pulis na nagiimbestiga kasi
hindi na rin sila pagkakatiwalaan ng taong bayan. May mga (Standard Operating Procedures) S.O.P. ang mga pulis na dapat
sundin, katulad ng pagpapaputok ng baril kung sakaling manlaban ang suspek, at
hindi sila pwedeng umaresto nang walang search
warrant o warrant of arrest. Pag ang isa rito ay malabag, maaaring maging
kontrobersyal ang operasyon at mas lalong lumaki ang isyu na ikasisira ng imahe
ng ating bansa. Kabilang na rito sina Kian Delos Santos, Carl Arnaiz at si
Reynaldo de Guzman -- na kasama ni Carl Arnaiz -- na pinatay ng mga pulis nang
walang ebidensya.
Tayong
mga mamamayan ay pinakikinggan ng gobyerno. Huwag tayong maging pipi, kung alam
natin na ang karapatan ng tao ay nawawala na, sabihin natin sa pamahalaan na
mali na ang ginagawa nila. Huwag natin sayangin ang demokrasyang ibinigay sa
atin, kaya’t umpisahan na nating gabayan ang ating gobyerno. Ikaw kasama ka ba
sa pagbabagong inaasam?
Comments
Post a Comment