“Ang Tirahan ni Juan”
Malayang Tula ni: Karl Andrei Santisteban | 10 - Honesty
Perlas ng Silanganan, ang tawag sa Pilipinas,
May mahigit pitong libong isla ang nakapaloob dito.
May mayamang kultura at mayamang kasaysayan,
At ang mga tao rito ay may mabuting kalooban.
Luzon ang pinakamalaking isla ng bansa.
Dito rin katatagpuan ang Kalakhang Maynila,
Vigan na isang heritage site,
At Banaue Rice Terraces na gawa ng mga Ifugao.
Visayas na pinaghiwa-hiwalay ng isla,
Ngunit nagagawa pa rin nilang magkaisa.
Kinapapalooban sila ng maraming dalampasigan,
Kaya’t palagi silang pinupuntahan ng mga dayuhan.
Mindanao na tinatawag na lupang pangako,
Narito ang tahanan ng ating pangulo,
Tirahan ng mga Bangsamoro,
At ang pinakamataas na bundok ng Mount Apo.
Juan for all, All for Juan ang sabi nila,
Magkakahiwalay ang mga isla,
Pero tayo ay nagkakaisa,
Sa layuning ang bansa ay maging isa.
Comments
Post a Comment