Nang
imulat mo ang iyong mga mata
iba’t
ibang mga galos ang nakita
Mga
isyu at suliranin ng bansa
kailan
na nga ba ito malulunasan
Kabataa’y
nagbibisyo’t nagdodroga
mga
magulang nila ang nagpabaya
Kaya’t
ngayo’y nilamon na ng adiksyon
ngayon
ay hindi na magawan ng aksyon
Ang
kaalaman sa buhay ay nawala
dulot
ng drogang nagbibigay ligaya
Ang
resulta’y bagong sakit sa lipunan
ito
nga ay pananakit at patayan
Buhay
ng tao’y basta-bastang kinuha
pagpipighati
at sakit ang resulta
Itong
mga ganid sa kapangyarihan
wala
silang sinasanto ni sino man
Bakit
nagkakaganito ang ating bansa?
tumingin
ka man sa kanan o kaliwa
Ang
buhay ng tao ay napabayaan
Isang
aksyon para ito’y mawakasan
Comments
Post a Comment