Isang munting Musmos,
Isinilang sa Bulacan.
Rodil ang kanyang angkan,
Na iminulat na may takot sa diyos.
Sa pagmamahal at pag-aaruga hinulma,
Ang katauhan kong mapagkumbaba lamang.
Hindi ngangailangan ng maraming atensyon,
Na manggagaling sa madla.
Pagiging tapat ang aking disiplina,
Sa’king paglilingkod sa lipunan.
Ito ang aking iniaambag,
Para sa ayan kong mahal.
Katangiang taglay ng aking angkan,
Ang tutulong sa problema ninyo.
Pagtulong ko sa inyo,
Ay walng hinihintay na kapalit.
Comments
Post a Comment