Kapalaran ng Kalikasan
Ni: Tristan Jhae C. De Vera
Maraming naganap sa bilyong paglagi
Daigdig
na ating tinirhang kay sawi
Hayun!
Nagngingitngit, tangis ng paglumbay,
Kailan
kaya ‘to magkakarong saysay
Dito lang
sa bansa, ramdam na ang sigwa
Kasakimang
dulot ng taong pabaya
Resulta’y
gumimbal sa bayang nakaranas
Ngayo’y
nagsisisi, gawang walang lunas
Dulot ng
kemikal, sirang kalikasan
Bunga’y
nagpahirap sa taong nanahan
‘Di ko
ninanais, itong ‘yong sinapit
Bakit
yaong tao, sa iyo’y malupit?
Ngayo’y
panahon nang itama ang mali
Ngunit
‘di kay dali, iwaksi ‘tong sanhi
O
rosaryong puspos, dalhin aming sambit
Kami ay
tulungan, lansagin ‘tong pait
Sa bawat
problema, may solusyon man din
Ngunit
kay hirap man, kailangang sundin
Pangngalang
salita, ito’y disiplina,
Kapwa
Pilipino, ating gawin, sana
Comments
Post a Comment