Skip to main content

Mga Kasinungalingan

Gobyerno kong tapat maglingkod samin,
Na’san ang pagbabagong aming hangarin?
Magaganda’t negatibong benepisyo,
Ang dulot ng mga pagbabagong ito.

Pagkamatay ng mga inosenteng tao,
Katarunga’y hindi sapat at totoo.
Nakakubli’t nakatagong ebidensya,
Ang pumoprotekta sa mga walang hiya.

Korupsyon ang lumamon sa’t lipunan,
Suliraning solusyon ang kailangan.
Problemang dala-dalang ating bansa,
Ito ba’y ating masosolusyonan pa?

Giyera’t karahasan ba’ng ating gusto?
Tungo ba’to sa mas pinagandang mundo?!
Pag-aaral ng mga bata ay nahinto,
Ito ay dulot ng kaguluhan ditto.

Ang aksyon ng gobyerno ang kailangan,
Upang problema’y masolusyonan.
Kung sila ang pasimuna ng mga ito,
Aba’y! wala na’kong magagawa ditto.

Comments

Popular na Akda

Ibong Malaya

Ibong Malaya Isang ibong nangangarap ng mataas, Maraming hadlang, ibong siya pa ring patas. Inaabot niya sa kanyang makakaya, O ibon, ika’y lumipad ng Malaya. Bigyan mo ng pansin, ibong tumatawag. Mga salitang sa kanya’y nagpatatag, Ang pangarap lang niya’y gusto niya matupad. Sana’y pakpak niya’y mataas na lumipad. Salamat, salamat, mga nagtiwala. Pangarap,’di isasawalang bahala, Kahit kalian ‘di titigil sa paglakbay. Aking mga pangarap na abot kamay. Sa lahat ng aking magiging kasabay, Tayoay lalaban at hindi sasablay. Madami man tayong kailangan ilakbay, Sa dulo, tayo’y sabay-sabay kakaway. Mithiin kong natanaw sa alapaap, Umaasang makakamit sa hinaharap. Naging matagal man ang proseso, Ginagawa ko ito ng buong puso.

Bulag na katotohanan

Naranasan mo na bang hindi mabigyan ng sapat na katarungan at hustisya sa isang particular na bagay? Hindi ba nakakapang-hinayang sa ating kalooban? Ito ay dahil hindi binigyan n gating pamahalaan ang mga ‘extra judicial killings’, pagdanak ng dugo at pagkadamay at pagkamatay ng mga inosenteng tao. Batay sa mga nangyayari nitong mga nakalipas na buwan, sobrang dami nang mga namamatay na pinaghihinalaang mga tulak ng droga at mga kasong patungkol sa “war on drugs” at “summary execution”. Batay sa pagtala ng ABS-CBN Investigative and Research Group, tatlong libo’t apat na raan at pito ang nasasawi mula noong ika-10 ng Mayo 2016y hangang ika-9 ng Mayo 2017. 55.68% rito ay nanggaling sa mga operasyon ng kapulisan, 37.86% ay nagmula naman sa mga “unidentified assailants” at 6.46% naman ay natagpuan sa mga lugar na malapit sa lugar ng krimen. Kabilang na rito ang pagpatay sa mga menor de edad gaya nina Kian Lloyd Delos Santos at Carl Angelo Arnaiz, ito ay dahil sa napagkamalan silang mga “r...

Sinulid

Sinulid  Ni: Tristan Jhae C. De Vera                   Alam mo ba kung ano ang sinulid? Hindi ba ito ay napaka-pino at mayroong iba’t ibang kulay? Ngunit ang sinulid ay isang hibla na kung pagbubuklurin ay makabubuo ng isang kasuotan. Tulad ng sinulid ang dinastiyang politikal na kung saan may iisang angkan ang namumuno sa isang lugar.                   Hindi biro ang paggawa sa isang kasuotan. Ito ay dumaraan sa maraming proseso tulad na lamang ng pagpili ng uri ng tela, mananahi, disenyo at lalung-lalo na ang kalidad at uri ng sinulid.   Sastre at modesta ang tawag sa mga mananahi. Ang pinakamatibay at pinakamagandang sinulid ang gagamitin niya sa pananahi. Kahalintulad ng sinulid ang dinastiyang politikal.                ...