Isang
babaeng puro dumi at sugat
tuluyang
nawawala luntiang balat
Pag-aalaga
sa kaniya’y hindi sapat
Ito’y
hindi sa kaniya ay nararapat
Mga
katubigan niya’y dating malinaw
ngayon
puno na ng basura sa ibabaw
Ang
dating kulay ay sobrang bughaw
ngayon
kulay itim naman ang lilitaw
Malalanghap
dati ay sariwang hangin
ngayon
ay nagbabanta na ang polusyon
Iba’t
ibang klima ang nararanasan
Hahantong
na ba ito sa katapusan
Pighati
ay hindi na nga mapigilan
ng
babaeng nag-aaruga sa bayan
Ang
hiling niya sa atin ay kalinisan
at
bakit hindi magawan ng paraan?
Kailan
ka pa nga ba gagawa ng aksyon?
Hindi
pa ba sapat itong mga leksyon
para
itong isyu ay bigyang atensyon
At
iligtas ang sunod na henerasyon
Comments
Post a Comment