Sa isang munting lunsod ng Paris sa Pransya ay mayroong isang binate na nagngangalang Léandre Schmitt. Siya ay kilala ng halos lahat ng mamamayan ng Paris dahil kanyang mga katangian gaya ng pagiging isang matulungin na sibilian sa kanyang kapwa ng wlang hinihintay na kabayaran; pagiging mapagkumbaba at palakaibigan na lalaki. Bukod na sa siya ay matikas, gwapo at mabait ang nagugustuhan talaga ng kababaihan sa kanya ay ang kanyang pagmamalasakit sa kanyang kapwa. Sa kanyang pang araw-araw na gawain ay ang tumulong nang tumulong sa kanyang kapwa bago siya pumasok ng kanyang pinatatrabahuhan tutulong muna sa nangangailangan at ganoon din ang kanyang gagawin kapag siya ay pauwi na sa kanyang tahanan.
At habang siya ay namamasyal sa parke kung saan matatagpuan ang “Eiffle Tower” ay may natagpuan siyang isang dalagang humihingi ng tulong dahil hindi niya pa kabisado ang lugar na kanyang nilipatan. “Ano ang pwede kong maitulong sa iyo binibini?” Sabi ni Léandre sa dalagang naliligaw. Sagot naman ng dalaga sa kanya, “Maaari niyo po ba akong tulungan upang makabisado ko ang lugar na ito? Dahil bagong lipat lang ako sa lungod ng Paris.” Kaya’t sinamahan ni Leandre ang dilag sa paglilibot ng lungsod. Habang sila’y namamasyal naitanong ng binate sa binibini, “Ano nga pala ang iyong pangalan?” Ang ngalan ko'y Cassandra Martin.“Kay gandang pangalan naman niyan binibini”,sagot ng binata. “Ikaw anong pangalan mo ginoo?” tanong ni Cassandra. “Léandre, Léandre Schmitt”, tugon ng binata. At habang ang dalawa’y nagkwekwentuhan tungkol sa kanilang mga sarili ay naitanong ni Léandre kay Cassandra, “Gusto mo bang magpahinga muna tayo at kumain sa isang kapihan na malapit sa “Louvre”? At pagkatapos nating kumain ay didiretso tayo sa Museong iyon upang matunghayan mo ang mga sikat na obra maestra ng iba’t ibang sikat na pinto sa buong mundo.” “Magandang mungkahi iyan para sa isang bagong salta sa lungsod na ito” kaaya-ayang sagot ni Cassandra. Pumunta na nga ang dalawa sa kapihang sinabi ng binate at doon sila nagpahinga. Pagkatapos ng paglilibot ng dalawa ay naghiwalay na ang dalawa dahil magkaiba ang direksyon ng kanilang tirahan.
Makalipas ang isang araw ay nagkasalubong ulit ang dalawa na parang pinagtagpo ng tadhana. Sinabi sa isa’t isa “Ikaw nanaman!” at sabay nagngitian sa isa’t isa. Tinanong ni Léandre ang binibini “Gusto mo bang kumain sa “restaurant” ngayon? Dahil tanghali na rin kasi baka nagugutom ka na.” “Pwede naman, sige.” Sagot ni Cassandra. Hanggang sa lumipas nanaman ang buong maghapon na magkasama ang dalawa. Nang maggagabi na “Cassandra hatid na kita sa iyong bahay dahil gabi at madilim na rin ang mga lansangang iyong dadaanan” mugkahi ng binata. “Sige ba medyo natatakot na rin kasi ako” tugon ni Cassandra sa minugkahi ng binata. Nang maihatid na ni Léandre si Cassandra sa kanyang tirahan nakaramdam ng kakaibang pakiramdam sa kanyang emosyong patungkol sa dalagang kakakilala niya lang. Napaisip tuloy ang binate ng malalim at tinanong sarili “ano kaya itong pakiramdam na mararamdaman ko tuwing nakakasama ko siya?”
Kaya’t pagkaraan ng buwan buwan na pagkakaibigan ng dalawa ay naisipan at napagdesiyunan na magtapat nang kanyang piling sa binibini. “Cassandra may sasabihin ako sa iyo at sana ay huwag kang mabibigla…” sabi ni Léandre sa dalaga. “Ano ang ibig mong sabihin?” patanong na tugon ni Cassandra. “Binibini sa medyo mahabang panahon ng ating pagiging magkaibigan, gusto ko sanang sabihin ang tunay ko nararamdaman sa iyo…” sagot ng binatang kinakabahan sa kung anong mangyayaring pagkatapos niyang umamin sa dalaga. “Ano ang iyong ipinapahiwatig ginoo?” Tanong ng dalaga. “Cassandra mahal na kita!” sabi ng binata. Nabigla ang dalaga ngunit tinanggap niya ang buong pagkatao ang binata.
Simula ng araw na iyon nagsimula na si Léandre na umakyat ng ligaw ka Cassandra. Araw-araw, gabi-gabi nagsusumikap ang binate upang siya ay sagutin ng dalaga sa hinaharap. Subalit pinakikiramdaman ng dalaga kong si Léandre ba ay tapat at kayang maghintay hanggang sa ang dalaga ay handa nang pumasok sa isang seryosong relasyon. Nasa isip ni Cassandra na “hindi lahat ng relasyong nakukuha lang sa pamamagitan ng pagreregalo ng kung ano-ano at pagbibigay ng mga bulaklak at tsokolate.” Kaya’t naisip ng dalaga na hamunin ang pagsusuyo ng binate sa kanya sa pamamagitan ng hindi pagpansin kay Léandre ng isang lingo. Makalipas ang araw na iyon ay pumunta sa bahay ni Cassandra ang binate upang ayain siya sa pagnood ng pelikula sa sinehan. Ngunit hindi siya pinapansin at wala man lang nagbukas ng pinto para sa kanya kaya umuwi nalang ang binata dahil hindi naman siya pinapansin ng dalaga. Subalit, isinigaw niya sa tapat ng bahay ni Cassandra na “HINDI AKO SUSUKO SA’YO KAHIT ANONG MANGYARI!” at narinig ito ng mga kapitbahay ni Cassandra at ng dalaga. Lumipas ang ilang araw na hindi pagpansin ng dalaga sa binate kahit magkasalubong man sila sa parke at kung saan man. Napagisip-isip si Léandre kung ito ba ay pagsubok o ayaw na nga talaga ni Cassandra sa akin dahil masyado ko na siyang kinukulit. Kinabukasan ay naisip ng binata na humingi ng paumanhin sa dalaga dahil sa kanyang pagiging masyadong makulit at sa sobrang pagkasabik na makita at makausap ang dalaga. Nang magtagpo ang dalawa sa isang hardin sa parke ay humingi ng paumanhin si Léandre kay Cassandra at sinabi “Patawarin mo sana ako dahil sa aking pagiging sabik kong makasama at makusap ka.” Naintindihan naman ito ng dalaga at nagtapat sa binata “Isang pagsubok lamang ito kung ikaw ba ay sadyang mapagpasensya sa larangan ng pag-ibig” sagot ni Cassandra. Hanggang sa magkaayos na ang dalawa at bumalik sa normal na pagsasama ang dalawa. Pagkalipas ng ilang buwang pagsusuyo ni Léandre kay Cassandra ay itinanong nan g lalaki sa kanyang sinisinta “Maari bang ika’y maging nobya ko sa ginhawa’t kahirapan?” Pagtanong nito ng malumanay. “Oo, maari nga!” sagot ng binibini ng mayroong ngiti sa kanyang mga labi. At simula sa araw na iyon mas tumindi ang kanilang pagsasamahan hindi lamang bilang isang magkaibigan ngunit bilang isang magkasintahan.
Hanggang sa isang araw na mayroong nangyaring kababalaghan sa lugar kung saan nakatira ang babae. Nagkaroon ng pag-atake ng mga terorista sa siyudad kung saan nakatira ang dalaga. Nabahala at nagalala naman agad ang binata nang ito ay ibalita sa telebisyon. Kaya’t agad-agad siyang tumawag kay Cassandra upang ito’y kamustahin “Sagutin mo, sagutin mong iyong telepono… bilis” ngunit walang sumasagot at wala ring mga mensaheng galling sa dalaga. Alalang-alala si Léandre sa kasalukuyang estado ng kanyang sinta. At nagbalita nanaman ang mga programa sa telebisyon na pinutol na ng mga terorista ang mga linyada ng komunikasyon sa siyudad ng tinitirhan ni Cassandra. At hindi na rin nagpapapasok ang mga militar sa siyudad kung saan nagaganap ang bakbakan dahil inaalala lang ng local na pamahalaan ng siyudad na iyon ang kaligtasan ng kayang mga nasasakupan. Kaya’t literal na walang komunikasyon ang dalawa sa isa’t isa. Wala ring balita ang binata sa kalagayan ng kanyang nobya. Ang tanging pwedeng gawin ni Léandre ay ang pagdadasal sa kaligtasan ni Cassandra.
Lumipas ang tatlong buwan at dalwampu’t limang araw ng bakbakan sa lugar ng kanyang sinisinta at nagkaroon na ng pagkakaroon ng “clearing operations” at marami ang nasawi sa giyerang natukoy. Napaisip tuloy ang binate sa kanyang kalooban na sana’y ligtas ang aking sinta. Inanusyo ng mga naatasan ang mga nasawi at ito’y pinakikinggan ni Léandre ng sobrang maingat. Ngunit hindi nabanggit ang pangalan ni Cassandra sa listahan ng mga nasawi kaya napaisip bigla ang binate at tinanong sa opisyal,”Wala po bang Cassandra Martin ang kasama diyan sa listahan?” tanong ng binata. “Wala naman ho ginoo” tugon ng opisyal kaya tumalon sa pagkatuwa ang binata dahil buhay pa ang kanyang nobya na si Cassandra. Ngunit hindi niya alam kung nasaan at kung saan nagtatago itong dalaga.
At kinabukasan, may kumatok sa pintuan ng bahay ni Léandre at sinabi “tao po, tao po… andiyan po ba si Léandre?” himig ng isang binibini. Nang marinig ito ng binate napaisip siya na pamilyar ang himig ng boses na iyan kaya agad-agad siyang pumunta sa pinto upang pagbuksan ang binibini. At nang pagbukas niya ng pinto sumalubong sa kanya ang kanyang kasintahan na si Cassandra at niyakap naman ito ni Léandre ng sobrang higpit dahil sa kanyang sobrang pagalala sa kaligtasan ng babae. Tinanong ng binata“Saan ka nanggaling? Hinanap kita kung saan-saang parte ng siyudad na tinitirhan mo.” Sagot naman ng dalaga “bago yung araw na naganap ang pag-atake ay nagbakasyon ako at lumipad papunta ng Italya upang bisitahin ang aking lolo na nagdiwang ng kanyang kaarawan. At nung nalaman ko na nagkaroon ng bakbakan sa pagitan ng militar at terorista ay hindi muna ako umuwi dahil ako ay mapahamak sa kalagayan ng aking tinitirhan. Doon ako sa bahay ng aking mga magulang sa Italya nagpalipas ng ilang buwan hanggang sa tuluyan nang matapos ang labanan sa pagitan ng ating militar at terorista.” Biglang napangiti ang binata dahil ang alam niya ay nasa siyudad na iyon si Cassandra, subalit naitanong niya sa dalaga,”bakit hindi ka man lang tumawag sa akin at sinabing wala ka rito sa Pransya?” “Dahil wala ngang telepono sa bahay ng aking mga magulang dahil sa isang probinsya sila nakatira” Tugon ng dalaga na tumatawa. Naitindihan na ng binata ang sitwasyon kaya’t kinalimutan na niya iyon at tumungo na sa susunod na hakbang sa kanilang buhay.
Pagkaraan ng walong buwang pagiging magkasintahan ay humantong rin ito sa isang kasalan. Nagkaroon sila ng dalawang lalaking anak na sina Lucas at Danilo. Namuhay sila ng masagana at masaya.

Comments
Post a Comment