Isang
bituin ang nais kong abutin
mahirap
man ito ngunit kakayanin
Kahit
anong sakit ay titiisin
makamit
lang ang aking mithiin
Sa
malaking salamin ako’y tumapat
tanong
sa sarili’y ano ba dapat
Sa
kaisipang ito ako’y namulat
sipat
at tiyaga sa pangarap ay sapat
Mga
panahong sa iyo ay may hahatak
pipiliting
sa kabilang landas tumahak
upang
ang iyong pangarap ay mawasak
at
makuha nila ang huling halakhak
Ibang
tao ikaw ay pagdududahan
di
maniniwala sa iyong kakayahan
Gamitin
ng wasto iyong karunungan
sabihing
mali sila ng hinusgahan
May
mga panahong gustong sumuko
ngunit
bakit nga ba nandirito ako?
Kaya
sa king sarili ako’y nangako
hindi
iisipin ang salitang suko
Comments
Post a Comment