Pangarap ay sining
Ni: Tristan Jhae C. De Vera
Bawat indibidwal, may pangarap kamtin
Puso ba o
isip, ang kanyang susundin
Ngunit
s’yang halaga, kamtin ay mithiin
Sa buhay
na ito, wala s’yang sa atin
Buha’y eroplano,
taas baba ang lipad
Kahalintulad
n’ya ay gulong ng palad
Kinabukasang
s’yang ‘di alam ang pait
Anong
kapalaran, naghihintay bait
Piloto
ang siyang aking minimithi
Mula
pagkabata, aki’y ‘di tinimpi
Eroplano’y
bahay, kanlunga’y tuwina
Paglalakbay
ang s’yang libangang pagsinta
‘Di
lamang piloto ang aking pangarap
Pati
abogado, sakdal ‘yong iharap
Pangulo
ng bansa, s’yang rurok ng lahat
Na aking
kakamtin, mangyari mang lahat
Hindi
biro kamtin, pangarap kay ningning
Anupat
sinabing ito’y isang sining
Buhay na
may saysay, ang tangi kong hiling
Kaloob ng
Diyos, ‘lang pag-imbot, kiling
Comments
Post a Comment