Sa aking dugo
Ni: Tristan Jhae C. De Vera
16 na
taong paglagi sa mundo
Hayun, nagsusumagsag sa pag-aaral
Para sa
kinabukasang ‘di alam ang pait
Upang
tulungan pamilyang nananabik
Mabait,
masipag, tapat at totoo
Mga
katangiang dumadaloy sa aking dugo
Sabi
nila’y maaari na akong mag pari
Dahil sa
aking matibay na pananalig
Lahing
lulan ng tatlong kapuluan
Luzon,
Visayas, Mindanao ang ngalan
Ngunit ‘
di lang pala dito aking mga ninuno
Pati
lahing Madrid, sa akin nananalaytay
Matalino’t
tahimik ang aking pinaimbabaw
Sa lahat
ng katangiang aki’y tinatamasa
Ito ang
maghahatid sa akin sa kaginhwaan
Pagkatapos
mag-aral, bubuhayin s’yang sarili
Ako’y
nagmamahal sa bayang sinilangan
‘Di
kailanman pagtataksilan Perlas ng Silangan
Maka-Diyos,
Maka-tao, Maka-kalikasan, at Makabansa,
Siyang
aking panghahawakan hanggang kaluwalhatian
Comments
Post a Comment