“Sana’y Matupad”
Tugmang Tula ni: Karl Andrei Santisteban | 10 - Honesty
Bawat isa ay may pangarap sa buhay,
Ngunit ang ilan ay nabaon sa hukay,
At ang pangarap nila’y wala nang kulay,
Ngunit ang iba, tuloy ang paglalakbay.
Kung ako naman ang iyong tatanungin,
Marami ang pangarap na tutuparin
Ng aking sarili para sa hangarin
Na maabot ko ang rurok ng mithiin.
Brodkaster ang isa sa mga pangarap
Ko sa buhay; tungkuling maipalaganap,
At magbalita ng mga nagaganap,
Para sa madla na balita ang hanap.
Hilagang Korea, na saradong bansa,
Ngunit sa pagpunta dun, butas ang bulsa,
At pagsapit doon, buhay ay mawala,
At ang aking pamilya ay maulila.
Ang mga pangarap mo ay matutupad,
Kung magsisikap at mataas ang lipad
Ng ‘yong pangarap; matutupad ang hangad
Mo sa buhay kapag ikaw ay pinalad.
Comments
Post a Comment