Silyang Kongreso
Ni: Tristan Jhae C. De Vera
Ni: Tristan Jhae C. De Vera
Sa haba
ng lagi, sakit lumaganap
Isyung Panlipunan, ang s’yang nagaganap
Isyung Panlipunan, ang s’yang nagaganap
Namamayani
s’ya sa ‘ting isip; diwa
Di
matapos tapos, nakasusuya na
Kada
tatlong taon, tao’y naghahalal
Pinipili’y sikat: perang pinaluwal,
Pinipili’y sikat: perang pinaluwal,
‘Di s’ya
ang may-ari, ‘toy kaban ng bayan
Dalisay
kalian makamit ng duyan
Kay haba
ng takbo, isang araw lang ‘to
Parito, paroon, hakot lang ay boto
Parito, paroon, hakot lang ay boto
Upang
kanyang kamtin, pwesto sa gobyerno,
Ngunit
‘toy talamak, sa silyang Kongreso
Perahan
lang itong sagradong eleksyon
Kaya sa hulihan, kaso ay korapsyon
Kaya sa hulihan, kaso ay korapsyon
Mula sa
Espanyol, magpahanggang ngayon,
Korapsyong
laganap, agapang solusyon
Ito’y
epidemyang mahirap lunasan
Kalinangang isip, ang s’yang kailangan
Kalinangang isip, ang s’yang kailangan
Nang
matapos na itong hirap ng bayan
Upang bunga
nito’y s’yang kapayapaan
Comments
Post a Comment