“Sila ang may
kasalanan kaya kami naghihirap!”
Iyan ang madalas gawin ng mga Pilipino, ang magsisihan. Ngunit sino nga ba ang
may kasalanan kaya mahirap ang mga tao,
ang gobyerno o sila mismo?
Nagugutom, walang panustos at pambili ng pangangailangan
sa buhay, bakit nga ba nararanasan ang mga ito? Ito ay isa sa mga isyu na
kinahaharap ng mga Pilipino ngayon, ang kahirapan o poverty. Bakit nga ba nagkakaroon nito? Ang gobyerno nga ba talaga
ang laging may kasalanan? Kung titignan ang dalawang panig ay masasabing pareho
lamang silang may kasalanan, bakit? Tulad ng isang sikat na sabi-sabi, “walang
mangyayari kung hindi ka kikilos.” Hindi uunlad ang isang tao kung patuloy niya
lamang sinisisi ang iba na kung saan maaari naman siyang gumawa ng maliit na
hakbang upang unti-unting makaahon sa kung ano man ang buhay niya ngayon.
Pwedeng maghanap ng trabaho upang kumita ng kaunting salapi na maaarinig
pambili ng pagkain o iba pang pangangailangan sa buong araw. Pero kung iisipin,
bakit nga ba nasisisi ang gobyerno? Ito ay dahil ang ibang mga nasa posisyon ay
gumagawa ng mga bagay-bagay na nagdudulot ng paghihirap sa kanilang
nasasakupan. Pumapasok dito ang korapsyon at iba pang katiwalian ng mga taong
inaasahang maglingkod sa bayan. Bakit nila ito ginagawa? Ito ay dahil sa
kanilang pansariling interes. Ginagamit nila ang kanilang posisyon at
kapangyarihan upang ikontrol ang lahat ng bagay at maisagawa ang kanilang mga
plano. Mahirap man solusyunan ang mga ganitong suliranin ngunit dapat ay
magkaroon pa din ng disiplina sa sarili at laging magsumikap upang makaahon
kahit na paunti-unti. Isaisip din na dapat ay huwag lamang iasa ang buhay sa
gobyerno, bagkus magkusa sa mga gawain upang maging isang mabuting impluwensiya
sa ibang tao na naghihirap sa buhay.
Sa lahat ng problema ay laging may solusyon na nararapat.
Tulad ng isang kasabihan na, “Kapag ayaw may dahilan, kapag gusto may paraan.”
Maraming paraan para umunlad sa buhay, kailangan lamang ay pag-isipan ang lahat
ng gagawin lalo na ang pagdedesisyon sa buhay. Gumawa ka ng aksyon at maging
isang mabuting modela para sa iba. Ngayon, sino nga ba talaga ang may
kasalanan, ang gobyerno o ang mga ordinaryong tao?
Comments
Post a Comment