“Sino yang sini-sino mo?”
Malayang Tula ni: Karl Andrei Santisteban | 10 - Honesty
Ako’y isang lalaki, lalaking tahimik,
Inuuna ang pag-aaral, bago ang gimik,
Yung gimik na gala lang ang trip,
At pagkain lang ang pantanggal inip.
Nakatira sa siyudad ng Valenzuela,
Sa maliit na barangay ng Malanday,
Na may gate na pula,
At may asong dalawa.
Mahilig ako sa mga laro sa kompyuter,
Pero siyempre aral muna ang aasikasuhin,
Para ako ay magmukhang mabutihin,
Biro lang! Para ako’y makakuha ng mataas na marka.
Pagsapit ng alas-sais ng gabi ng Sabado,
Sa simbaha’y ako’y makikita
Ginagawa ang banal na tungkulin,
At naglilingkod ng buong puso sa Diyos.
Unti-unti niyo na akong nakikilala,
Pero mas marami pa kayong makikita.
Pag nakilala at nagkasundo tayo
Sa buhay na maraming tanong.
Comments
Post a Comment