Skip to main content

Posts

Showing posts from October, 2017

Katapangan sa Katimugan ng Bansa

“Katapangan sa Katimugan ng Bansa” Maikling Kwento ni: Karl Andrei Santisteban | 10 - Honesty             Noong Ika-23 ng Mayo ng taong 2017, inatake at kinubkob ng mga teroristang Maute ang siyudad ng Marawi, Lanao del Sur sa Mindanao. Agad na sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng mga terorista at ng mga sundalo’t pulis, kabilang na ang 1st Scout Ranger Regiment ng Special Operations Communications (SOCOM) ng Philippine Army. Si Major ( Komandante) Joseph Danilo ay kabilang sa 20th Scout Ranger Company , ang unang rumesponde sa Marawi. Hindi nila inaasahan ang lakas ng mga terorista kaya’t agad silang pumwesto sa mga lugar na ligtas sa pag-atake. Inutusan ni Danilo ang kanyang matalik na kaibigan na si Sgt. Ricardo Aquino na siguraduhin na bantayan ang tulay ng Bayumbong upang makapasok ang 3 rd Infantry Division (3 rd I.D.) ng Philippine Army sa lugar ng bakbakan. Ang squadron ni Aquino ay agad na tinanggal ang mga b...

Ang Kadiliman

Ang Kadiliman Laganap na ang kadiliman sa bansa. Galit, poot, nararamdaman ng masa. Ito’y hindi dapat maramdaman, Batang nakakaranas ng karahasan. Kadiliman, lumalaganap na sa atin. Nagiging hadlang na sa ating mithiin. Ating gobyernong matatabil ang dila, O Panginoon, patawarin mo sila. Kamatayan, kinukuha kabataan, Itigil na wala silang kasalanan. Mga inosenteng batang nag-aaral, Nakatatanda, nasa’n na iyong moral? O pulis, dapat ba kaming magtiwala? Sa gabi kami’y tamaan ng bala. Kayo’y tagapagligtas, bakit ganito? Matanda, bata, kami ay nalilito. Aking kaibigan, huwag ka nang lumabas pa. Kalye na tila ba ay mayroong sumpa. H’wag nang lumabas pagpatak ng alas diyes, Nawawala na mga ngiting kay tamis.

Ibong Malaya

Ibong Malaya Isang ibong nangangarap ng mataas, Maraming hadlang, ibong siya pa ring patas. Inaabot niya sa kanyang makakaya, O ibon, ika’y lumipad ng Malaya. Bigyan mo ng pansin, ibong tumatawag. Mga salitang sa kanya’y nagpatatag, Ang pangarap lang niya’y gusto niya matupad. Sana’y pakpak niya’y mataas na lumipad. Salamat, salamat, mga nagtiwala. Pangarap,’di isasawalang bahala, Kahit kalian ‘di titigil sa paglakbay. Aking mga pangarap na abot kamay. Sa lahat ng aking magiging kasabay, Tayoay lalaban at hindi sasablay. Madami man tayong kailangan ilakbay, Sa dulo, tayo’y sabay-sabay kakaway. Mithiin kong natanaw sa alapaap, Umaasang makakamit sa hinaharap. Naging matagal man ang proseso, Ginagawa ko ito ng buong puso.

Bughaw at Pula

Bughaw at Pula Sa kanyang bansang sinilangan, Karamihan ay magalang. Ang aming baying minamahal, Puno ng pagmamahal at dangal. Kabayan, maraming maganda ditto. Mapabundok man, tanawin, o tao. Huwag kang mag-alala, Ikaw ay sasaya. Dito, ditto sa baying ito, Marami kang matututunan. Bayanihan ay uso rito, Hindi ka pababayaan saan man patungo. Ang buhay ditto ay masaya, Maraming aral na makukuha. Pait mapapalitan ng kaginhawaan, Lupang Hinirang, Pilipinas ang ngalan.

Salamin

Salamin Lahat tayo ay may iba’t ibang katangian. May sariling paniniwala at paninindigan. Pero lahat tayo ay kakaiba at tangi, May oras kung saan tayo ay magaling. Ako’y isang simpleng babae. Babaeng may determinasyon at kampante. Kampante dahil ginagabayan ako ng Diyos, Diyos na aking kasangga sa lahat ng oras. Ang babaeng  ito aylaging nandyan, Tumutulong at hindi nang-iiwan. Bigyan mo ng pansin, Ang babaeng mabait at matulungin. Tapat na kaibigan kahit kalian, Masipag na anak palagian. Salamat sa inyo, Kayo’y pinagkakatiwaalan ko.

Inosenteng Buhay

“Inosenteng Buhay”             Ang buhay ng isang tao ay parang isang ginto na kung saan ito ay napakahalaga para sa isang tao. Dapat hindi ito binabawi sa isang indibidwal dahil sa isang pagkakamali na nagawa nito. Hindi ito atin kaya wala tayong karapatang kunin ito sa iba.             Sa panahon ngayon, lumalaganap na ang tinatawag nating Extra judicial killing o ang pagpatay ng walang awa sa isang tao dahil sa batas ngunit sumosobra na. ang mga criminal ay binabawian ng buhay dahil sa kanilang mga kamaliang ginagawa sa ating lipunan. Subalit, sumusobra na dahil kahit ang mga taong wala namang kasalanan ay kanilang pinapatay para sa kanilang sariling benepisyo. Maraming mga bata na may mataas na pangarap sa buhay ay nadadamay at namamatay dahil sa pag-aakala na sila ay nagdodroga. Tulad na lamang nila Kian Delos Santos at Karl Arnaiz na may maganda at may mataas na p...

Inang Kalikasan

Inang Kalikasan Mahal, ako nga pala ang iyong mundo. Alagaan mo, buhay mo’y sigurado. Kahit kalian ay hindi kita iiwan, Basta’t h’wag mong lisanin parang larawan. Anak, h’wag mo sana akong pabayaan. Ako’y tanungin, ako ang kalayaan. Kung ako man ay iyong aalagaan, Ako’y magtatagal ng walang hangganan. Habang lumilipas, oras, at panahon, Nalimot na at ala-aang nabaon. Saan na pangakong aalagaan mo, Ako’y umaasa, pangako mo’y matamo. Bigyan mo kong pansin at h’wag pabayaan, Muling ibalik ang aking kalinisan. Umaasang ika’y tutugon sa akin, Ang aking pagluha iyo sanang dinggin. Ako’y pansinin, h’wag mong talikuran. Hindi mo ba alam ako’y nasasaktan.  Anak, alagaan mo ko ng may puso, Tama na, tama na, iyong pang-aabuso.

Sa Likod ng mga Bariles

“Sa Likod ng mga Bariles”             Sa isang lungsod na tinatawag na Meycauayan ay mayroong mag-asawang ating pangalanang sina Gng. Novia at G. Karl Sy na may negosyong Maple Syrup. Si Karl ay isang kasal na lalaki na matangkad, pursigido sa buhay, negosyante, ngunit mainitin ang ulo. Siya rin ang Mayor ng Meycauayan at may-ari ng pinakamalaking produksyon ng Maple sa kanilang lungsod na tinatawag na Maple Corporation. Hanggang sa dumating sa buhay niya si Novia na mabait, positibo sa buhay, at lagging hinihikayat si Karl na huwag sumuko tuwing may problemang kinakaharap.             Nagkakilala sila ni Novia dahil ang lolo nito ay matalik na kaibigan ng lolo ni Karl. Mayroon din silang isa pang kaibigan na may apo na ang pangalan ay Vina Cruz kaya doon nagsimula ang pagkahilig ng tatlo sa paggawa ng Maple Syrup. Noong natuto gumawa si Karl ng Maple, binenta niya ito ...

Pagluluksa sa Moralidad

“ Pagluluksa sa Moralidad ” Tugmang Tula ni: Karl Andrei Santisteban | 10 - Honesty Pagbukas ng radyo, krimen ang balita, Dumanak ang dugo, Suspek bumulagta, Bangkay niya’y nakabaluktot sa kalsada, Sinasabing sanhi nito ay ang droga. Ang balita kumalat sa kapuluan, Pero bakit umalma ang karamihan? Menor de edad ang kanilang nalaman, At napag-alaman na siya’y tinaniman. Mga pulis umalma sa binibintang, Ang sabi nila’y ang grupo’y hindi mangmang. Sa imbestigasyon ay walang humadlang, At ang mga saksi, sa korte’y sumalang. Commision on Human Rights ay namagitan Sa dalawang panig na nagbabangayan. Kaso ng pulis ay inimbestigahan, At ang mga pulis ay balak kasuhan. Karapatang Pantao ay prayoridad, At handog ng gobyerno sa komunidad. Panatilihin natin ang moralidad Upang karapatan natin ay maunlad.

Isang Alamat

Isang munting Musmos, Isinilang sa Bulacan. Rodil ang kanyang angkan, Na iminulat na may takot sa diyos. Sa pagmamahal at pag-aaruga hinulma, Ang katauhan kong mapagkumbaba lamang. Hindi ngangailangan ng maraming atensyon, Na manggagaling sa madla. Pagiging tapat ang aking disiplina, Sa’king paglilingkod sa lipunan. Ito ang aking iniaambag,  Para sa ayan kong mahal. Katangiang taglay ng aking angkan, Ang tutulong sa problema ninyo. Pagtulong ko sa inyo, Ay walng hinihintay na kapalit.

Alapaap ng Tagumpay

Ibig kong makamit ang aking pangarap, Ramdam na ako’y nasa alapaap. Kailan nga ba natin ito makakamit? Ang ating pangarap na walang kapalit. Ating mga mithiingPinaghihirapan, Ay mayroong sariling kahalagahan. Sipag at tiyaga ang puhunan natin, Dagok at hirap ating marapatin. Rurok ng mithiin ay hindi maabot, Ngunit wag tayong susuko’t manlalambot. Dedikasyon sa pagkamit ang sandata, Upang makamit ang hangarin niya. Pagsuko’y wala sa’king bokabularyo, Pero kayo’y lagi kong saklolo. Wala tayong iwanan tungo sa dulo, Wala ni isa satin ang susuko. Pagsisikap natin tungo sa tagumpay, Pagtitiyaga nating walang kapantay. Mga ugaling ito ang tutulong satin, Patung sa rurok ng mithiin.

Mga Kasinungalingan

Gobyerno kong tapat maglingkod samin, Na’san ang pagbabagong aming hangarin? Magaganda’t negatibong benepisyo, Ang dulot ng mga pagbabagong ito. Pagkamatay ng mga inosenteng tao, Katarunga’y hindi sapat at totoo. Nakakubli’t nakatagong ebidensya, Ang pumoprotekta sa mga walang hiya. Korupsyon ang lumamon sa’t lipunan, Suliraning solusyon ang kailangan. Problemang dala-dalang ating bansa, Ito ba’y ating masosolusyonan pa? Giyera’t karahasan ba’ng ating gusto? Tungo ba’to sa mas pinagandang mundo?! Pag-aaral ng mga bata ay nahinto, Ito ay dulot ng kaguluhan ditto. Ang aksyon ng gobyerno ang kailangan, Upang problema’y masolusyonan. Kung sila ang pasimuna ng mga ito, Aba’y! wala na’kong magagawa ditto.

Pag-iyak ng Isang Ina

O aking minamahal kong lubos, Kagandahan mo ba’y laging nakagapos? Pagkasira mo ang laging madatdatnan? Balewala lang ba’ng ‘yong kahalagahan? Pakinabang mo’y napapabayaan na, Iyong likas ay may pakinabang pa ba? Sa mga taong nangangailangan sa’yo, Maibibigay mo ba’ng kanilang gusto? Ang pagkasira ng iyong kagubatan, At biglaang taas ng karagatan. Kayamana’y unit-unting naglalaho, Dahil sa mga taong mapang-abuso. Gusto ma’ng mawala’ng iyong sakit, Di maresolba dahil sa mga pasakit. At mga dagok na iyong nararanasan, Ay unti-unti kang pinahihirapan. Gusto’t himig nami’y ikaw ay maligtas, At pagtanggol sa iyong mga yamang likas. Ang pagresolba ng iyong mga problema, Mga solusyon naming iyong madarama.

Inang Pinakamamahal

Mga sinag ng araw, Kumakatawan sa ating kasaysayan. At mga munting bituin, Na sumisimbolo sa ating inang bayan. Kay daming kulturang matutunghayan, Ito’y kanilang pinapahalagahan. Magagandang tanawin ang makikita, Kaya’t ito’y kinasasabikan nila. Inang bayan puno’m puno ng kwento, Maraming misteryo ang lumilitaw sa mga ito. Katikasan at katapangan n gating mga bayani, Ang nagpalaya sa ating kalayaang naka-kubli. Ang Pilipinas ay ating paka-ingatan, Sa mga dayuhang nang-aabuso sa kanya. Mga alitang sumisira kay inang bayan, Kailangan bigyan hinto natin.

Bulag na katotohanan

Naranasan mo na bang hindi mabigyan ng sapat na katarungan at hustisya sa isang particular na bagay? Hindi ba nakakapang-hinayang sa ating kalooban? Ito ay dahil hindi binigyan n gating pamahalaan ang mga ‘extra judicial killings’, pagdanak ng dugo at pagkadamay at pagkamatay ng mga inosenteng tao. Batay sa mga nangyayari nitong mga nakalipas na buwan, sobrang dami nang mga namamatay na pinaghihinalaang mga tulak ng droga at mga kasong patungkol sa “war on drugs” at “summary execution”. Batay sa pagtala ng ABS-CBN Investigative and Research Group, tatlong libo’t apat na raan at pito ang nasasawi mula noong ika-10 ng Mayo 2016y hangang ika-9 ng Mayo 2017. 55.68% rito ay nanggaling sa mga operasyon ng kapulisan, 37.86% ay nagmula naman sa mga “unidentified assailants” at 6.46% naman ay natagpuan sa mga lugar na malapit sa lugar ng krimen. Kabilang na rito ang pagpatay sa mga menor de edad gaya nina Kian Lloyd Delos Santos at Carl Angelo Arnaiz, ito ay dahil sa napagkamalan silang mga “r...

Natagpuang pag-ibig sa Paris

Sa isang munting lunsod ng Paris sa Pransya ay mayroong isang binate na nagngangalang Léandre Schmitt. Siya ay kilala ng halos lahat ng mamamayan ng Paris dahil kanyang mga katangian gaya ng pagiging isang matulungin na sibilian sa kanyang kapwa ng wlang hinihintay na kabayaran; pagiging mapagkumbaba at palakaibigan na lalaki. Bukod na sa siya ay matikas, gwapo at mabait ang nagugustuhan talaga ng kababaihan sa kanya ay ang kanyang pagmamalasakit sa kanyang kapwa. Sa kanyang pang araw-araw na gawain ay ang tumulong nang tumulong sa kanyang kapwa bago siya pumasok ng kanyang pinatatrabahuhan tutulong muna sa nangangailangan at ganoon din ang kanyang gagawin kapag siya ay pauwi na sa kanyang tahanan. At habang siya ay namamasyal sa parke kung saan matatagpuan ang “Eiffle Tower” ay may natagpuan siyang isang dalagang humihingi ng tulong dahil hindi niya pa kabisado ang lugar na kanyang nilipatan. “Ano ang pwede kong maitulong sa iyo binibini?” Sabi ni Léandre sa dalagang naliligaw. Sagot...

Ang Huling Sundalo

Ang Huling Sundalo  Ni: Tristan Jhae C. De Vera             Sa kasagsagan ng huling taon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, may isang batalyon ng sundalong Hapon ang dumating sa Pilipinas. Ito ay pinamunuan ni Maj. Heiji Hattori at isa sa kanyang mga sundalo ay ang paksa ng kwentong ito. Siya si Masaharu Onaka . 23 taong gulang lamang siya nang isabak sa tungkulin g pansundalo.             “ Masaharu Onaka ,” tawag ni Maj. Hattori. “Yes, sir!” tugon ni Hiro. “Itatalaga kita sa may timog ng Maynila, sa may Batangas upang aking maging mata at tainga sa pagmamanman sa mga kalaban. Ito ay iuulat mo sa aking direkta at kung alam mong ikaw ay nasa panganib, gamitin mo ang iyong baril at bayoneta upang gawin mong sandata kung sakaling ikaw ay makasagupa ng mga Pilipino o Amerikanong sundalo,” dagdag ni Maj. Hattori. “Opo sir! Ngayon din po ay tutulak na ako pa-Batangas upan...